Makalipas lang ang isang oras ng pag hihintay ay lumabas na rin ng kanyang opisina si nicko. Nagulat pa ito ng sa kanyang pag labas ay nakita niya pa si andrea na naka upo parin sa table nito at may kinakalikot sa kanyang laptop.
"oh why are you still here? Diba sinabi ko na sayo kanina pa na mauna ka ng umuwi.."
Saad ni nicko, habang nag lalakad ito palapit kay andrea.
"ay, nandiyan ka na pala sir.. Okay lang po.. Nahihiya naman po akong iwan kayo.. At tsaka wala naman din po akong gagawin sa bahay pagka uwi.."
Tugon ni andrea kay Nicko na hindi nito na pansin ang paglabas ng kanyang boss. Naka yuko kasi ito habang naka tingin sa screen ng kanyang laptop.
Nang nasa tapat na ng table ni andrea si nicko ay huminto ito sa pag hakbang.
" okay sige na.. Let's go, sumabay ka na sa akin.."
Saad ni nicko habang naka hawak ang isa niyang kamay sa kanyang bewang. Tumango naman dito si andrea at isinara na ang kanyang laptop, sabay tayo na rin sa kanyang kinauupuan.
Nakita niyang nauna ng nag lakad palabas ng opisina si nicko kaya mabilis na humakbang din si andrea para masabayan ang kanyang boss.
Tahimik lang ang dalawang nag lalakad papunta ng parking kung saan naka parada ang sasakyan ni nicko. Naroon ang driver nitong si Delfin na nag hihintay na. Naka ngiti itong naka tingin sa dalawa.
"hi mang delfin!" bati ni andrea dito at ngumiti sa matandang driver.
"hello ms. Andrea, ngayon lang kita nakita ulit ah.. Kamusta ka?"
Bati naman ni mang delfin kay andrea. Habang pinag bubuksan nito ng pintuan ng kotse si nicko.
"oo nga po eh, ngayon lang tayo nag kita ulit.. Okay naman po ako.."
Tugon ni andrea at sumakay na ito ng mabuksan ni Delfin ang pintuan ng kotse. Sa loob na upo si andrea, habang si nicko naman ay sa tabi ito ni delfin umupo.
"uncle, idaan muna natin si andrea sa apartment niya.."
Saad ni nicko kay Delfin ng maka upo na rin ito sa driver seat.
"ah idadaan pala natin si andrea.. Akala ko mag di-date kayo eh.." tugon ni mang delfin.
Hindi naman umimik si nicko. Napangiti si andrea sa sinabi ni Delfin. Ngunit ng dumako ang tingin ni andrea kay Nicko ay nakita niya itong seryoso ang mukha habang naka tingin ang mata nito sa labas ng sasakyan.
Bumalik ang tingin ni andrea kay Delfin at nakita niya itong naka ngiti parin habang binubuhay na nito ang makina ng sasakyan. Matapos niyon ay naging tahimik na ang tatlo habang nasa biyahe.
Maging si mang delfin ay hindi na ito muling nag salita pa. Hanggang sa marating na nila ang apartment ni andrea.
"sir thank you po.."
Paalam ni andrea kay Nicko, bago ito bumaba ng sasakyan. Tumango lang si nicko kay andrea at hindi na ito nag abala pang tumingin kay andrea.
"sige ho mang delfin salamat din ho sa inyo.."
Saan naman ni andrea kay Delfin ng maka baba na ito ng sasakyan. Ngumiti naman sa kanya si Delfin at kumaway pa ito, habang nag lalakad si andrea palayo ng kotse.
Makalipas ang ilang buwan ay naging maayos naman kay andrea ang lahat. Hanggang sa isang araw ay nabigla siya sa pag dating ng mommy ni nicko sa opisina mismo ng anak nito.
Ngumiti si andrea dito ng makita niya itong pumasok. Naka ngiti din ang matanda sa kanya at nabigla siya ng yakapin at halikan siya nito sa kanyang pisngi.
"hi Andrea, nice to see you again.. Kamusta ka iha?.."
Tanong nito sa kaniya matapos siyang halikan sa pisngi at yakapin. Naka ngiti parin ito sa kanya habang naka tingin sa kanyang mukha.
"ahmm.. Okay naman po ako ma'am.. Kayo po, kamusta din po kayo?.."
"ito mabuti.. Masaya talaga ako iha, dahil nandito ka.."
"p-po? Dahil nandito po ako? Bakit po ma'am may kailangan po kayo sa akin?.."
Tanong ni andrea sa ina ng kanyang boss. Hindi sumagot ang matanda, bagkus ay naka titig parin ito sa kanyang mukha.
"t-teka po ma'am.. Alam po ba— ni sir nicko na nandito kayo ngayon sa office niya?.. Wala po kasi siya dito Ma'am eh.. Lumabas po.. Hindi niya na po ako isinama dahil dito lang naman daw po loob ng building ang pupuntahan niya.."
Nabigla pa si andrea ng hawakan siya sa isang kamay ng matanda. Nang mga sandaling iyon ay sumeryoso na ang mukha ng ina ni nicko.
" huwag kang maingay andrea.. Hindi alam ni nicko na nag punta ako dito.. Ang totoo kasi niyan may sasabihin sana ako sayo.. Halika dito tayo sa loob ng opisina ng anak ko.."
Matapos na sabihin iyon ng ina ng kanyang boss ay nakita niya itong lumingon sa likuran nito at tsaka siya hinila papasok sa loob mismo ng office room ng anak nito.
Nang makapasok sila sa loob ay nakita niyang ini-lock pa ng matanda ang pintuan.
"kanina pa ba umalis ang anak ko andrea..?"
Tanong nito matapos na I-lock nito ang pintuan.
"hindi naman po ma'am.. Kaka alis niya lang po ng dumating kayo.."
"okay that's good!.."
Mas lumapit pa kay andrea si mrs. Buenavista at tumayo ito sa kanyang harapan. Nakita niyang humugot pa ng malalim na hangin ito mula sa dib-dib nito,at tsaka ito nag salita.
"ahmm.. Andrea, hindi na ako magpapa liguy-ligoy pa.. Ka kapalan ko na ang aking mukha sayo.."
Tumikhim pa ang matanda bago ito nag patuloy sa pagsa salita. Si andrea naman ay kunot ang noo nitong naka tingin lang kay mrs. Buenavista, habang nakikinig dito.
" ten million andrea.. I want you to be my son's girlfriend.. "
Nabigla si andrea sa sinabi ng ina ni nicko. Hindi niya akalain na gugustuhin siya nitong maging kasintahan ng anak nito.
"p-pero ma'am.. Wala naman pong gusto sa akin ang anak niyo.. Empleyado lang po ang turing niya sa akin.. At ganun din po ako sa kanya.. Malabo po ang gusto ninyong mang yari.."
"no iha.. I like you for my son nicko.. Girlfriend lang ang hinihiling ko sayo iha.. Kung makalipas ang isang taon at hindi ka naging masaya sa kanya ay puwede mo na siyang iwan.. Matanda na ako iha at mayroon na rin akong sakit.. Gusto kung may babae lang na tumingin at mag alaga sa anak ko.. Pwede mo ba akong pag bigyan iha?.."
Pakiusap ng ina ni nicko kay andrea na nangingilid na ang luha nito sa gilid ng mga mata nito. Hinawakan pa nito sa dalawang kamay si andrea ng mahigpit.
Nabigla si andrea ng sobra sa sinabi ng matandang babae sa kanya at nang mga sandaling iyon ay wala siyang mahanap na salita kung anong isasagot niya sa matandang babaeng nasa kanyang harapan. Naka tingin lang si andrea sa mukha ng matanda na blanko ang kanyang pag iisip.
Tumikhim ang matandang babae at muli itong nag salita.
"alam kung na bigla ka iha sa Sinabi ko sayo.. Pero sana pag isipan mong mabuti ang offer ko sayo... Uulitin ko.. Girlfriend lang naman ang hinihiling ko sayong maging rule mo sa buhay ng anak ko.. At pagkatapos nun ay maari mo na siyang iwan.. Pero gusto kong maging masaya ang anak ko sa loob ng isang taon na yun.. Pag isipan mong mabu—"
Hindi na natapos ng ina ni nicko ang kanyang pag sasalita, dahil nabigla silang pareho ni andrea ng biglang bumukas ang pintuan at iniluwa niyon si nicko. Nagulat ang binata ng madatnan niya doon ang dalawang babae sa loob. Kunot ang noo nitong naka tingin sa dalawang babae.
" what's happening mom? Bakit naririto kayong dalawa ni andrea sa loob ng opisina ko?.. May problema ba?.."
Palipat lipat ang tingin ni nicko sa dalawang babae na wari ba'y nag hahanap ito ng kasagutan.
Hindi kaagad naka imik ang dalawang babae. Tumitig ang ginang kay andrea na may ipinapahiwatig ang mga tingin nito.
Naintindihan naman ni andrea kung ano ang ibig ipahiwatig ng mga tingin na iyon sa kanya ng ginang at marahan siyang tumango rito ng may tipid na ngiti sa kanyang labi.
"mom? Ano pong meron? Bakit kayo hindi maka sagot? I'm just asking lang naman Kung anong ginagawa niyo rito sa loob ng office ko.."
"ah.. Ganito kasi iho, kakarating ko lang naman.. Nang dumating ako ay tinanong ko si andrea kung Na rito ka sa loob, ang sabi niya sa akin ay wala daw, dahil lumabas ka nga daw.. Ang akala ko nag bibiro lang si andrea kaya diri-diretso ako dito sa office, tapos hinabol niya ako kaya ayun! Naabutan mo kami dito.. "
Matapos na sabihin iyon ng ginang kay Nicko ay lumipat naman ang tingin ni nicko kay andrea.
" yes sir, inakala po talaga ni Ma'am na nag bibiro lang ako, kaya nagulat po ako ng bigla siyang nag lakad papasok dito sa opisina niyo.. "
Saad naman ni andrea. Tumango tango naman si nicko, matapos marinig ang sinabi ni andrea.
"naku, anak naman.. bakit parang hindi ka pa naniwala sa sinabi ko.. At inantay mo pa talagang mag salita si andrea.."
"hindi naman sa ganun mom.. Ang tagal niyo kasing sumagot eh.. At tsaka ano ba kasing ginagawa niyo dito? Hindi niyo manlang ako sinabihan na pupunta pala kayo dito.. Eh di sana pina sundo ko kayo sa baba.. At tsaka paano nalang kung wala nga ako dito at nasa meeting pala.. "
" naku, iho okay lang naman kung wala ka din naman dito.. Andito naman si andrea.. "
Tugon ng ginang sa kanyang anak. Lumapit ito kay Nicko at ipinulupot nito ang kamay sa braso ni nicko. Humalik naman si nicko sa pisngi ng kanyang ina.
" eh bakit ba kasi nag punta kayo dito mommy?.. Huwag niyo sabihing na mis niyo ako kaagad eh kaka kita lang natin kahapon.."
"ahmm.. Excuse me po.. Maiwan ko na po kayo,babalik na po ako sa labas.."
Singit naman ni andrea sa mag inang nag uusap,at humakbang na ito palabas ng pintuan.
"thank you andrea.. Pasensya ka na sa akin ha.."
Saad naman ng ginang kay andrea. Bago tuluyang lumabas ng kuwarto si andrea ay pumihit ito paharap sa mag ina at tumango sa sinabi ng ginang na may ngiti sa kanyang labi at tuloyan na itong lumabas ng kuwarto.