Chapter Twenty-two

1813 Words
Nang makalabas ng kuwarto si andrea ay muling nag tanong si nicko sa kanyang ina. "mom, ano nga pong kailangan niyo bakit kayo na parito?.." "anak, wala naman.. Gusto ko lang makita kung okay ka rito sa opisina mo.." "mom,hindi ako naniniwala na yan lang ipinunta niyo rito?.." Tugon ni nicko sa kanyang ina at umupo ito sa kanyang swivel chair. Gayun din ang kanyang ina, umupo ito sa coach na malapit sa table ng kanyang anak at inikot ang paningin nito sa kabuuan ng opisina ng kanyang anak. "actually kasi anak, may pinuntahan akong kumare ko na malapit lang dito.. Kaya naisipan kung pasyalan tong opisina mo.. I'm so proud of you anak.. Na palago mo ng maayos tong kumpanyang iniwan sayo ng daddy mo.. Nakita ko nga knina mas dumami pa ang mga empleyado mo.. Gusto ko rin sanang pasyalan ang opisina ng ng tito Efren mo.. Kaso wala pala siya dun.. Tinawagan ko siya, pero hindi naman sumasagot.. Mabuti nalang at kahit hindi kita sinabihan kanina na pupunta ako, ay nandito ka naman.. " Palusot ng ina ni nicko,na hindi niya lang sigurado kung paniniwalaan ba siya ng anak sa kanyang sinabi. Tumango tango naman si nicko sa sinabi ng kanyang ina na mukhang naniniwala naman ito. " Well, mom I'm busy today too. I'm going to review a lot of documents... " Na tahimik sandali si nicko. "okay mom, let's have a lunch date today.. Bago ko umpisahan tong mga dapat kung asikasuhin ngayon.." Muling saad ni nicko sa kanyang ina, at tumingin ito sa kanyang suot na relong pambisig. Halos mag tatanghalian na, kaya nag pasya na siyang tumayo, at inalalayan niyang tumayo ang kanyang ina mula sa pag kakaupo nito sa coach. Napa ngiti naman ang ginang ng marinig ang sinabi ng anak niya. Nang makalabas ng opisina ni nicko ay nakita ng ginang si andrea na naka upo parin sa puwesto nito. Ngumiti siya ng makita ito. Maging si Andrea ay ngumiti din dito. Si nicko naman ay diretso lang ang tingin nito. Hanggang sa napa hinto rin siya sa pag hakbang ng huminto ang kanyang ina sa harap ng table ni andrea at nag salita ito. "iha, halika sabay ka na sa aming mag lunch ni sir nicko mo.." saad ng matanda kay andrea na mayroon pa ring ngiti sa labi nito. Napa lingon naman si nicko sa gawi ni andrea ng marinig niya ang sinabi ng kanyang ina kay andrea. Tumayo muna si andrea tsaka sumagot dito. "ahmm.. may baon po ako Ma'am eh.. At tsaka may usapan po kasi kami ng isang empleyado dito na sabay kaming kakain.." Tugon ni andrea sa ginang na nasa kanyang harapan. Bahagyang lumungkot naman ang mukha ng matanda sa narinig na sinabi ni andrea sa kanya. " ay ganun ba iha.. Sayang naman ngayon nga lang kita ma kakasamang kumain, hindi ka naman pala pwede.. " Narinig nilang tumikhim si nicko kaya parehong napa tingin ang dalawang babae dito. "mom, let's go na.. Wag niyo nang pilitin si andrea mom.. May kausap na pala siyang kasabay na kakain.. Nakakahiya naman dun sa taong kasabay niya, kung iiwanan niya.." Saad ni nicko sa kanyang ina. "Okay sige, next time nalang iha ha.. Sana hindi mo na ako tanggihan next time.." Saad ng ginang kay andrea at nag kibit pa ito ng balikat. Tumango lang si andrea dito bilang tugon sa sinabi ng ginang. Nag lakad na ang mag ina palabas ng opisina. Napa buga naman si andrea ng hangin mula sa kanyang bibig at muli itong bumalik sa pag kakaupo. Hindi na niya matapos-tapos ang kanyang pag titipa sa kanyang laptop, dahil na iisip niya parin ang sinabi ng ginang sa kanya kanina. Na inaalok siya nito ng sampung milyon, kapalit ng pagiging nobya ng anak nito. Kung tutuusin ay malaki ang sampung milyon na inaalok sa kanya ng ina ni nicko. Marami na siyang pwedeng mabili, makakabili na siya ng bagong bahay nilang mag kapatid,at makukuha na niya ang kanyang kapatid sa probinsiya at makakasama na niya ito. Pero nag dadalawang isip siya sa sinabi ng ginang. Ayaw niyang maging bayarang babae paano nalang kapag nalaman iyon ni Lucas, maaring magalit ito sa kanya kapag pumayag siya na makipag relasyon kay Nicko. Gustong gusto siya ni Lucas at maging siya mismo ay gusto niya rin si Lucas. Naisip niya na paano magiging sila ni Lucas, kung papayag siya sa gusto ng ginang, na maging nobya siya ng anak nito. Ano nalang ang iisipin sa kanya ni Lucas kapag nalaman nito na magiging nobya siya ni nicko, kapalit ng malaking pera. Bababa ang tingin sa kanya ni Lucas at yun ang ayaw niyang mang yari. Matagal na niyang gusto si Lucas, pero pinipigilan niya lang ang kanyang sarili dahil pakiramdam niya ay hindi pa siya handa na makipag relasyon. Pero sa nangyayari ngayon ay naguguluhan naman siya. Gusto niya na rin kasi kunin ang kanyang kapatid sa kanyang tiyahin, lalo na ng nalaman niyang hindi pala masaya si Dominic sa bahay ng kanilang tiyahin. Napa buntong hininga si andrea sa kanyang mga iniisip. Hanggang sa biglang bumukas ang pintuan at dumungaw doon si Pia na dati niyang kasama sa dati niyang pwesto, noong hindi pa siya personal secretary ng kanilang boss. "hi andeng! Ano kain na tayo..? Andiyan pa ba si sir nick?" Tanong nito sa kaniya. Umiling si andrea dito. Tuluyan namang pumasok si pia at lumapit ito kay andrea. "marami ka pa bang gagawin? Tara na kain na tayo, wala naman na pala si sir nick.." "wait lang ate pia, ililigpit ko lang tong mga nasa ibabaw ng table ko.." Tugon ni andrea sa babae at mabilisan niyang ipinasok sa kanyang drawer ang mga papel na naka patong sa ibabaw ng kanyang table. Nang na itago na niya lahat ay tumayo na siya at umalis kasama ni Pia. Sabay silang nag tungo sa canteen. Pagka pasok nila ng canteen ay hinanap ng kanyang mga mata si Lucas, ngunit hindi niya ito makita doon. Umupo sila ni pia sa may bandang dulo ng canteen. Gusto niya sanang ikuwento kay Pia ang nasa kanyang isipan ng mga sandaling iyon, upang gumaan ang kanyang dib-dib at baka mapayuhan siya nito. Ngunit naisip niya na baka madulas si pia sa iba at maging usap-usapan pa iyon sa kanilang opisina. Ayaw niya naman mangyari iyon kaya sinarili niya nalang ang nasa kanyang saloobin. "uy, Andrea tahimik ka ata ngayon.. May problema ka ba?.." Puna sa kanya ni Pia ng maka balik ito sa kanilang lamesa, bumili kasi ito ng makakain, habang si andrea naman ay hindi na dahil may baon siyang kakanin na nabili niya kanina sa mga nag titinda sa kanilang kanto. " w-wala naman ate.. Na mimis ko lang yung kapatid ko.." "ah.. I see.. Kaya pala parang malungkot ka.. Eh bakit kasi, hindi mo nalang kunin ang kapatid mo dun at dito mo nalang pag aralin sa maynila, para mag kasama na kayo.." Tugon ni pia kay andrea matapos nitong sumubo ng binili nitong sopas. "eh kasi nga te, maliit palang ang naiipon ko, kaya hindi ko pa siya pwedeng kuhanin dun.. Gusto ko ay malaki na ang ipon ko para may pang enroll ako sa kanya dito sa maynila.." "so ano nang plano mo niyan ngayon?.. Muling tanong ni pia kay andrea. " ayun nga ate.. Mag tiyaga nalang muna siya dun sa bahay ng tiyahin namin.. Habang nag iipon pa ako.. " " di bale, mabilis ka lang niyan makakapag ipon.. Mas malaki naman sahod mo na ngayon, dahil personal secretary ka na ni sir nick ngayon.." saad ni pia kay andrea. Hindi na muling nag salita pa si andrea, nagpa tuloy nalang ito sa pagkain. Halos sabay lang sila ni pia na matapos kumain. Bago sila lumabas ng canteen ay muli na naman niyang iginala ang kanyang paningin, nag babaka sakaling makita na niya si Lucas doon. Pero bigo siya dahil ni anino ni Lucas ay hindi niya ito nakita. Nang maka balik na si andrea sa opisina ng kanyang boss ay wala pa ito doon. Sinikap niya nalang na maging busy ng araw na iyon. Mag aala sais na ng maka balik si nicko. Hindi na nito kasama ang ina nito na si donya helen. Dumaan sa harap niya si nicko, ngunit tahimik lang ito at ni hindi man lang siya tiningnan nito. Makalipas lang ang sampung minuto ay muli itong lumabas at tsaka lang ito nag salita. "andrea, bakit hindi ka pa umuuwi?.. Hali ka na.. Sumabay ka na sa akin.." Matapos na sabihin iyon ni nicko kay andrea ay lumabas na ito ng pinto. Mabilis naman ang kilos ni andrea na nag ligpit ng mga gamit na naka lagay sa ibabaw ng kanyang office table. Nang mailigpit na niya ito ay mabilis din siyang lumabas ng opisina, at sa kanyang pag labas ay hindi na niya nakita pa si nicko. Naisip niya na baka iniwan na siya ng binatang amo. Ngunit ng marating na niya ang elevator ay nakita niya si nicko na naka tayo na mismo sa loob ng elevator, doon pala siya nito inantay, at nang maka pasok na si andrea sa elevator ay doon lang nito pinindot ang down button. Silang dalawa lang ang nasa loob ng elevator. Siguro ay dahil pasado ala sais na, kaya halos lahat ng empleyado ng gusali na iyon ay naka uwi na. Bukod sa mga guard na nag iikot ng mga Sandaling iyon. Sinisigurado kasi ng mga ito na naka lock lahat ng mga opisina, bago nila patayin lahat ng mga ilaw at tanging emergency light lang ang naiiwang naka bukas. Walang imikan ang dalawa hanggang sa makarating sila ng ground floor. Nang malapit na sa exit door sina nicko at andrea ay doon lang sila nag usap ng mag salita si andrea. "mauna na po ako sa inyo sir.. Ingat po kayo sa pag uwi.." Paalam ni andrea kay Nicko. At huminto ito sa pag hakbang ng makita niyang humintong mag lakad si nicko. Nauuna kasi si nicko sa kanya ng dalawang hakbang. Umikot si nicko paharap kay andrea at tsaka ito nag salita. " diba sabi ko, sumabay ka na sa akin.. Idadaan ka nalang namin ni uncle sa apartment mo.." "huwag na sir.. May bibilhin pa po kasi ako sa isang shop diyan diyan sa labas.." Tugon ni andrea kay Nicko. Nang tumingin siya kay nicko ay naka titig ito sa kanyang mukha at hindi niya kayang salubungin ang mga titig nito. Kaya ibinaba niya nalang ang kanyang paningin at hinintay ang isasagot sa kanya ni nicko. " okay sige.. Hindi ka na namin maihahatid, dahil may bibilhin ka pa naman pala.." "opo.. Sige po una na po ako.. Ingat nalang po kayo.." Tumango lang si nicko kay andrea. Nag lakad na si andrea palabas ng gusali, naiwan naman si nicko na naka tanaw lang sa nag lalakad na dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD