Nang mga sandaling iyon ay kakauwi lang ng bahay ni donya helen. Totoo naman kasing may kaibigan siyang pinuntahan malapit lang sa opisina ng anak niya. Pero ng oras na iyon ng dumaan siya sa opisina ng anak niya ay hindi pa siya nakaka punta sa bahay ng kanyang kaibigan, tsaka lang siya pumunta matapos nilang kumain ni nicko ng tanghalian.
Naisip niya na mabuti nalang at mukhang naniwala naman sa kanya ang anak niya ng sinabi niyang may pinuntahan siyang kaibigan na malapit sa opisina nito, kaya naisipan niyang pasyalan ang kanyang anak.
Pero ang totoo niyan, ay si andrea talaga ang gusto niyang makita at makausap. Buo na ang kanyang loob na hanapan nalang ng matinong babae ang kanyang anak na makakasama nito habang buhay. Marami namang nag kaka gustong babae sa kanyang anak, doon pa lang sa village nila ay marami ng babaeng nag papa pansin kay Nicko, ang anak niya lang ang ayaw at nagpapaka suplado. Marahil nga ay takot pa itong muling makipag relasyon.
Si andrea ang babaeng pumasok sa isip niya. Magaan kasi ang loob niya sa babae unang kita palang niya dito. Simple lang ito at hindi maluho sa katawan. Nang malaman niya pa ang totoong pagkatao nito ay mas lalo pa niyang ginusto, na ito ang mapangasawa ng kanyang anak.
Dahil nag bayad siya ng isang imbestigador upang imbestigahan ang buong pagkatao ni andrea. Nalaman niya na wala na pala ang pareho nitong mga magulang at tanging kapatid nalang ang meron ito. Na tumutugma naman sa plano niya dahil kapag inalok niya ito ng malaking pera, kapalit ay ang pakikipag relasyon nito sa kaniyang anak ay malaki ang tiyansa niya na mapapayag ito.
Alam niyang kailangan nito ng pera, para masuportahan ang pag aaral ng kapatid nito. Sa isiping iyon ay napa Pikit ng mata ang donya, umaasa siya na sana ay tanggapin ni andrea ang kanyang alok dito.
Wala akong pakialam kung maubos man ang aking pera na iniwan sa akin ni Ronaldo, matanda naman na ako at tanging si nicko nalang ang meron ako. Oo may bago nga akong asawa ngayon, si Efren, pero wala naman kaming anak at alam ko namang may iba siyang hangarin kaya niya ako niligawan. Ang tanga ko lang dahil huli na ng malaman ko ang totoo na pera ko lang pala ang gusto niya. Ayaw kong sabihin kay Nicko ang totoo, dahil Da dagdag lang ito sa mga iniisip ng anak ko. Ngayon, wala na akong pakialam kung maubos man ang lahat ng pera na meron ako. Makita ko lang ang anak ko na maging masaya bago ito mawala.
Lingid kasi sa kaalaman ni nicko ay nag punta rin ang kanyang ina sa personal doktor na tumitingin sa kanya sa tuwing magpapa check up siya dito,at napag alaman nga ng donya na muling inatake nanaman ng malala ang kanyang anak ng sakit nito.
Alam niyang balak ilihim sa kanya iyon ng kanyang anak, pero dahil kaibigan niyang matalik ang doktor ni nicko ay nag sabi parin ito ng totoo sa kanya, kahit na nakiusap daw dito ang kanyang anak na huwag nang iparating sa kanya ang nangyari.
Mas lalo siyang nag alala sa kanyang anak ng malaman niya iyon, at ngayon ay pursigido na siyang tulungang maging masaya ang kanyang anak.
Naisip niya na para saan pa ang paghihirap ng dati niyang asawa, para mabigyan ng magandang buhay ang kanilang nag iisang anak, kung hindi naman din magiging masaya ang kanilang anak sa buhay nito.
Nakita niya noon kung gaano nasaktan si nicko ng lokohin ito ng dati nitong ex girlfriend. Halos gumuho ang mundo nito ng makipag hiwalay ito sa unang babaeng inibig nito,at siya bilang ina ay grabeng hirap din ng kalooban ang kanyang naramdaman ng mga panahong iyon.
Dahil din sa ginawa ng ex girlfriend ni nicko ay mas lumala pa ang sakit ng kanyang anak. Kaya ilang taon ng hindi nakikipag relasyon ang kanyang anak, dahil sa takot nito na baka muli na naman itong masaktan.
Pero sa pag kakataong ito, ay alam niyang tama ang kanyang desisyon na si andrea ang gusto niyang babae para sa kanyang anak.
Sa pagpapa imbestiga niya sa dalaga ay nalaman niyang totoo ang na ramdam niya dito noong una niya itong makita sa bahay ng mga del Castillo, na mabuting bata si andrea at hindi nito kayang manakit ng damdamin ng iba.
Nalaman niya din kasi na mga guro pala pareho ang magulang ni andrea, kaya alam niyang napalaki ng mga ito ng maayos ang kanilang anak na si andrea.
Yun lang ay kung papayag ito sa kanyang inaalok na malaking pera, kapalit at ay ang pakikipag relasyon nito sa kaniyang anak.
Bumuntong hininga ng malalim ang donya, nag aalala parin kasi siya na baka tumanggi sa kanyang alok si andrea at dapat hindi ito malaman ng kanyang anak.
Kilala niya ang kanyang anak. Dahil simula sanggol pa lamang ito ay siya na mismo ang Derek tang nag alaga dito. Alam niya na hindi papayag ang kanyang anak sa nais niyang mangyari. Kaya umaasa siya na walang pag kuwentohan si andrea ng tungkol sa naging usapan nila nito.
Kapag pumayag sa kanyang alok si andrea ay tsaka naman niya iisipin ang susunod niyang hakbang, kung paano magkakaroon ng relasyon ang dalawa. Ang importante sa ngayon ay ma papayag niya si andrea.
Umusal ng panalangin ang donya habang naka upo siya sa kanilang sofa sa sala. Marahan niyang ipinikit ang kanyang mata, nang may marinig siyang tumatawag ng kanyang pangalan.
Ang pangalawa niyang asawa na si Efren. Kaya napa dilat diya ng mata ng maramdaman niyang malapit na ito sa kanya.
"helen, nandiyan ka lang pala.. Kanina pa kita tinatawag ah..."
Tugon ni Efren pagka kita nito sa kaniya. Naka tayo ito, habang naka pamewang ang dalawa nitong kamay.
"ah sorry, may kausap kasi ako sa phone kaya hindi kita kaagad narinig.. At tsaka akala ko ay nasa cebu ka pa, kaya hindi ko expected na ngayong araw ang uwi mo.. Ano, kumain ka na ba?.."
Tanong ng donya sa kanyang bagong asawa na si Efren. tumayo siya mula sa pag kakaupo sa sofa at nilapitan niya ito. Humalik naman ito sa pisngi niya ng makalapit siya dito.
"nagugutom ako eh, may makakain ba tayo diyan?.."
Tugon nito sa kaniya, matapos siya nitong halikan sa kanyang pisngi.
"of course meron.. Palagi ko namang pina sosobrahan ang mga ipina luluto kung pagkain, para kapag may dumarating ay may maipapakain ako.. Halika sa komedor.."
Yaya ng donya sa kanyang asawang si Efren. Hinawakan niya ito sa braso at iginiya patungo sa komedor.
Samantala ng makauwi naman ang dalagang si andrea ay dala-dala niya parin sa kanyang isipan ang mga sinabi sa kanya ng ina ni nicko. Wala parin siyang maisip na magiging desisyon ng mga sandaling iyon.
Wala naman kasi siyang nararamdaman kay Nicko, kundi awa lang para sa kanyang boss. Hindi naman niya ito gusto gaya ng pagka gusto niya kay Lucas. Isipin pa lang niya na magiging boyfriend niya ito ay hindi niya alam kung magiging masaya ba siya dito.
Oo gentlemen naman ang kanilang boss ilang beses niya na rin naman itong napa tunayan, at humahanga siya dito. pero wala naman siyang spark na nararamdaman para dito.
Si Lucas ang palaging hanap ng kanyang mata, at sa katunayan nga ay balak niya na talagang sagutin si Lucas. Hindi niya lang ito nakikita ilang araw na.
Dinagdagan pa, ng kausapin siya ng ina ni nicko kanina. Matutuloy pa kaya ang balak niyang sagutin na ito sa panliligaw nito sa kaniya.
Kumakain si andrea ng hapunan ng mga sandaling iyon habang nag iisip, nang tumunog ang kanyang cellphone.
Agad niya itong dinampot dahil nasa tabi niya lang naman ito na naka patong din sa lamesang kinakainan niya. Nalaman niya agad kung sino ang tumatawag sa kanya dahil kita na niya kaagad ang pangalan ng kanyang kapatid na lumalabas sa screen ng kanyang cellphone.
"hello dom, kamusta napa tawag ka?.."
"h-hello iha, ang Tiya Loren mo ito.. Naku— paano ko bang sasabihin sayo ito.."
"bakit po tiya, ano pong nangyayari? May problema po ba?.."
Tanong ni andrea sa kanyang tiya. Nakaramdam na siya ng kaba sa kanyang dib-dib ng mga sandaling iyon. Agad na pumasok sa kanyang isip ang kanyang kapatid. Cellphone iyon ng kanyang kapatid, dapat ay ito ang kanyang kausap at hindi ang kanyang tiya loren.
"k-kuwan kasi andrea eh.. S-si Dominic kagabi pa hindi umuuwi.."
"po?! Bakit po?"
"eh kasi iha.."
"Ano hong nangyari bakit hindi yun umuwi?.."
Muling tanong ni andrea sa kanyang tiyahin. Nababagalan kasi siya sa sinasabi nito.
"nag away kasi sila ni mac-mac kahapon at itong anak ko na ito ay may sinabing hindi maganda kay Dominic, kaya sumama ang loob ng kapatid mo.. Eh baka kako tumawag siya sayo, para mag sumbong.. Hindi kasi namin alam kung saan siya natulog kagabi eh.."
"naku po tiya loren, hindi po tumawag sa akin si Dominic.. Baka ho nagpunta sa mga kaklase niya.."
"yun nga iha eh, inisa isa na namin ang bahay ng mga kaklase niya.. Hindi namin alam kung mga nag sasabi din ng totoo yung mga yun, baka itinatago lang nila si Domi—"
"nay, nay!"
Narinig ni andrea na boses iyon ng kanyang pinsan na anak din ng tiya loren niya. Nawala sa linya ang kanyang tiyahin. Pero naiwan nitong bukas ang linya ng telepono,kaya naririnig niya ang sinasabi ng kanyang pinsan.
"nay,, nakita po namin si Dominic.. Ayun po siya oh! Hinila na nila kuya pauwi dito, ayaw niya po kasi daw umuwi dito.."
Narinig ni andrea na sabi ng kanilang pinsan. Kaya naka hinga naman siya ng maluwag na ng malaman niyang nakita na ang kanyang kapatid. Gusto niya nalang itong maka usap, para malaman niya kung ano ang totoong nang yari dito, bakit hindi ito umuwi kagabi at kung saan ito nagpa lipas ng gabi.
Dalawa nalang silang magka patid ayaw niya pati sa kapatid niya ay may mangyari ding hindi maganda dito. Hanggang sa tuluyan ng naputol ang kabilang linya. Nagpasya siyang mamaya nalang tatawag ulit. Narinig niya kasi sa linya na kausap pa ng tiyan loren niya si Dominic.
Bibigyan niya na muna ang mga ito ng panahong makapag usap. Hindi parin naman siya tapos kumain. Atlis ngayon ay alam na niyang naka uwi na ang kanyang kapatid. Di tulad kanina na halos sumabog ang kanyang dib-dib sa pag aalala sa kanyang kapatid.