Chapter Twenty-four

1712 Words
Sakto naman ng mailigpit na ni andrea ang kanyang mga pinag kainan, ay tumunog ang kanyang cellphone. Mabilis niya itong sinagot medyo basa pa nga ang kanyang kamay ng damputin niya ang kanyang cellphone na naka lapag sa lamesa. "hello iha.." Ang kanyang Tiya ang tumawag. "hello Tiya, kamusta ho? Kamusta ang kapatid ko?.." "okay na siya iha.. Naka uwi na siya kanina habang mag kausap tayo.. Mabuti nga at nakita siya ng dalawa kung anak.." "tiya loren, paka usap ho ako sa kapatid ko.." "okay iha, sandali lang tatawagin ko.." "Dominic parini ka muna at gusto ka raw maka usap ng ate mo.." Narinig ni andrea na tawag ng kanyang tiya sa kanyang kapatid. Mga ilang segundo pa ang lumipas ng marinig niya na ang boses ng kanyang kapatid sa kabilang linya. "hello ate..." Tinig ni Dominic na parang maiiyak ito. "dom, kamusta ka? Hindi ka raw umuwi kagabi sabi ni Tiya loren.." "opo ate.." Narinig niyang umiiyak na ang kanyang kapatid sa kabilang linya. "oh bakit ka umiiyak? Ano bang nangyari sayo dom?.." "ate... Ayaw ko na talaga dito.. Kunin mo na ako dito ate.."hindi ako masaya dito ate.. Lagi nalang ako inaaway ng mga anak ni tiya dito lalo na si mac-mac.. Hindi talaga kami nun magka sundo.." "isumbong mo kay tiya kapag inaaway ka nila.." "eh si tiya naman, palagi naman niya kinakampihan ang mga anak niya.." Napa buntong hininga si andrea, Bago ito nag salita ulit. "dom.. Konting tiis nalang ha.. Hayaan mo kukunin na kita diyan.. Next month magpapa alam ako sa boss ko na uuwi ako diyan, para masundo kita diyan okay.. Basta ngayong buwan magtiis ka muna diyan.. At huwag mo nang uulitin yung ginawa mo kagabi ha.. Nag alala ako sayo ng sobra dom.. Maawa ka naman sa ate dom.. Malayo ako sayo, hindi ako kaagad makaka punta diyan kapag may nangyaring masama sayo.. Kaya ipangako mo sa akin na hindi ka na mag lalayas ulit ha dom.. " Matapos sabihin iyon ni andrea ay hindi kaagad sumagot ang kanyang kapatid. Naririnig niya pa itong humihikbi. " opo ate.. Basta promise mo po yan ha.. Kukunin mo na talaga ako dito sa susunod na buwan ha..? " " oo nga dom.. Basta ang mga sinasabi ko sayo ay huwag mong kalilimutan ha.. Huwag mo nalang pansinin sila mac-mac.. O kung maaari huwag ka ng lumapit sa kanila, para hindi na kayo magka banggaan pa okay.. " " sige po ate andeng.. Sorry po kung pinag alala ko kayo.. Mis na kita ate.. " Saad ng kanyang kapatid sa kanya at narinig niya ulit ito na umiiyak. " tahan na dom.. Mis na mis ka na rin ng ate.. Hayaan mo mag kakasama na tayo next month.. Hintayin mo nalang ako diyan.. " " opo ate.. " " oh tahan na dom.. Huwag ka ng umiyak.. Sige ka mababawasan ang ka gwapohan mo niyan!.." "hindi na po, basta ang promise mo ate ha.. Hihintayin kita dito.." "okay sige.. Ba-bye na ha.. Pa lowbat na pala tong cellphone ko... Tumunog na.. Basta dadalasan ko nalang ang tawag ko diyan sayo.." "okay po ba-bye ate andeng.. Ingat ka po palagi diyan.." "ang bunso kung kapatid, mag iingat din palagi ha.. I love you bunsoy.. Sige na ba-bye.." "mahal din kita a—" Nawala na sa linya ang kapatid ni andrea, nang tingnan niya ang kanyang cellphone ay lowbat na pala ito. Kinuha niya ang charger upang mai charge niya ang kanyang cellphone. Hindi kasi pwedeng ma lowbat ng matagal ang kanyang cellphone, baka kasi may biglaang importanteng tawag siya. Isang linggo pa ang lumipas ay ay hindi parin makag desisyon si andrea. Naisip niya tanggapin nalang ang alok ng ina ni nicko, pero nag dadalawang isip talaga siya. Kaligayahan niya rin kasi ang naka salalay dito. Si Lucas ang gusto niyang maging kasintahan at hindi si nicko. Kapag pumayag ba siyang maging kasintahan ni nicko ay tatanggapin pa kaya siya ni lucas o gugustuhin parin kaya siya nito kapag dumating ang araw na wala na silang relasyon ni nicko. Kasi sabi naman ng ina ni nicko ay kapag hindi sila naging masaya ng anak nito, makalipas ang isang taon ay maaari niya na itong Hiwalayan. Pero kung tatanggapin naman niya ang alok ng ina ni nicko ay malaking pera ang kapalit nito. Makakabili na siya ng sarili nilang bahay ni Dominic sa maynila kung saan siya mismo nag tatrabaho, at mapag aaral na niya ang kapatid niya kahit anong gustong kunin nitong kurso. Kahit nga sariling sasakyan na magagamit niya papasok at pauwi ng trabaho ay kaya niya ng bilhin, at yun ay kapag tinanggap niya ang alok sa kanya ni Ginang Helen Buenavista. Napa sabunot si andrea sa kanyang buhok. Naguguluhan talaga siya. Mas nahihirapan pa siyang mag desisyon dahil wala manlang siyang mapag kwentohan ng kanyang saloobin. Naalala niya na nasa trabaho pa pala siya, biglang bumukas ang pintuan ng kanyang boss at nangunot ang noo nito ng makita siya. Nagulo niya pala ng husto ang kanyang naka taling buhok. "anong nangyari sayo andrea? Bakit ganyan ang buhok mo?" Tanong ni nicko sa kanya nang may pag tataka sa mga tingin nito. "ah w-wala po sir, kumati po kasi ang ulo ko kaya nakamot ko.." Paliwanag ni andrea kay Nicko. Umiling iling naman si nicko sa narinig na dahilan ni andrea. "ah, baka marami kang dandruff.. Try mo ibang shampoo, baka kailangan mong mag palit ng shampoo.." Natatawang sabi sa kanya ni nicko, at nakita niya itong lumabas ng ikalawang pintuan. Hindi man lang ito nag sabi sa kanya kung saan ito pupunta. Nang maka alis si nicko ay kinuha ni andrea ang maliit niyang salamin sa kanyang bag at ang suklay. Tinatamad siyang mag punta ng comfort room, kaya doon niya nalang inayos sa kanyang puwesto ang Nagulo niyang buhok. Kagagaling niya lang din kasi ng comfort room bago niya ginulo ang kanyang buhok. Naka simangot si andrea habang inaayos ang kanyang buhok, nang may kumatok sa pinto at kasunod niyon ay marahan itong bumukas. Agad na napa lingon si andrea sa pinto. Dumungaw doon ang ulo ni Lucas na may ngiti sa mukha nito. "hi Andrea.. Bakit ang haba ata ng nguso mo ngayon? Wala si sir nicko noh?" Tango lang ang itinugon ni andrea kay Lucas. Pero nginitian naman niya ito. Tuluyan naman na pumasok si Lucas sa loob ng nakumpirma nito na wala nga doon si nicko. Ayaw niya kasi na masita nanaman siya nito. Sasabihin nanaman nito na babae ang inaasikaso nito at hindi ang kanyang trabaho. "uy andeng, antayin kita mamaya ha.. Matagal na tayong hindi nakakapag bonding.. Labas tayo mamaya ha.." "oo sige Luke.. Kaya lang baka late na ako makababa mamaya.. Madalas kasi late na si sir nick lumabas ng opisina niya eh.. Nakakahiya naman kung mauuna akong umuwi sa kanya.." "o sige okay lang.. Basta aantayin parin kita mamaya sa parking.. Sige andeng, hindi na ako mag Tatagal baka pabalik na yun.. Pinuntahan lang kita ngayon, kasi hindi kita makaka sabay mamaya sa canteen.. May pinapa asikaso kasi sa akin sa ibang branch si sir nicko at mga ala singko pa ang balik ko dito sa main office.. " " okay sige luke.. Ingat.. " " at least nakita kita ngayon andeng.. Hindi kasi kumpleto ang araw ko kapag hindi kita nakikita eh.. Sige ha ba-bye!.. " Pagka sabi niyon ni Lucas kay andrea ay lumabas din ito kaagad. Kinilig nanaman ang dalagang si andrea sa narinig na sinabi ni Lucas. Ilang araw kasi itong hindi nag pakita sa kanya kaya kung na miss siya ng binata, ay ito rin naman ay na-miss niya. Mabuti nalang umalis na rin si Lucas, dahil may dalawang minuto lang ang lumipas ay bumalik din kaagad si nicko. Sinulyapan lang siya nito at deretso lang ang lakad nito pabalik ng opisina mismo nito. Hindi nga nag kamali si andrea ng sinabi kay lucas, dahil pass six na ay hindi parin lumalabas ng opisina nito si nicko. Panay ang sipat niya sa suot niyang relo. Gusto na niyang puntahan si Lucas, naisip niya kasi na baka naiinip na ito doon. Kinuha niya ang kanyang cellphone sa loob ng kanyang bag. Titingnan niya kung nag message si Lucas sa kanya. Pero wala ito ni isang text o miscall manlang. Kaya nag tipa siya ng mensahe para dito. Sinabihan niya itong mag tatagal pa siya dahil hindi pa lumalabas ng opisina si nicko. Pero lumipas na ang ilang minuto ay hindi man lang nag reply sa kanyang text message si Lucas. Kaya mas lalo siyang nalungkot. Kung pwede niya lang na iwanan na sa opisina nito si nicko ay ginawa na niya. Kaso hindi naman niya kayang gawin, dahil personal secretary parin siya nito. May limang minuto pa ang naka lipas ng bumukas ang pintuan ng opisina ni nicko. Lumapit ito sa kanya at sinabi nitong may pupuntahan sila bukas. Hindi na niya tinanong kung saan iyon. Tumayo na rin kasi siya ng sinabi ni nicko na makaka uwi na siya. Hindi na nga siya nag ligpit ng kanyang mga gamit sa ibabaw ng Table, dahil kanina niya pa itong niligpit. Inaantay niya nalang talaga si nicko na lumabas ito mismo ng sarili nitong opisina. Mabilis ang kanyang hakbang na nag lakad, naabutan niya pa nga si nicko sa loob ng elevator o sinadya ulit siya nitong hintayin kaya hindi pa nito sinasara ang elevator. "sumabay ka na sa amin, para hindi ka na mag commute.." Muling alok nito sa kaniya. Lumingon naman si andrea sa kinatatayuan ni nicko at ngumiti dito. "sorry po sir, may nag hihintay po kasi sa akin sa ibaba.." Hindi na napansin ni andrea ang naging ekspresyon ng mukha ni nicko, agad niya rin kasi binawi ang tingin niya dito. "okay sige.. No problem ms. Morales.. Ingat ka nalang sa pag uwi mo.." Tugon ni nicko kay andrea. Nang bumukas ang elevator ay magka hiwalay na silang lumabas ng exit door. Sa exit door na papuntang parking lot kasi dumaan si nicko at si andrea naman ay hindi doon lumabas. Hindi kasi siya pwedeng sumabay kay Nicko na mag lakad papunta doon. Malalaman kasi nito na si Lucas ang taong tinutukoy niyang nag hihintay sa kanya. Lalo na at tumanggi siya ditong sumabay sa pag uwi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD