Chapter: Twenty-five

1662 Words
Nang tuluyang mawala sa paningin ni andrea si nicko, ay tiningnan niya ang kanyang cellphone kung may message sa kanya si Lucas, ngunit wala parin itong message sa kanya. Nang lumipas na ang may sampung minuto ay nag punta na si andrea sa parking lot, naisip niya na naka alis na si nicko. Pagka rating niya sa parking ay agad na hinanap niya ang sasakyan ni Lucas. Ngunit naikot na ng kanyang paningin ang halos buong parking area, ay hindi niya nakita ang sasakyan ni Lucas. Hindi pa nga siya nakontento ay tinanong niya pa ito sa guard na nag babantay sa parking lot, kung nakita nito si lucas. Ang sagot naman sa kanya ng security guard ay umaga pa daw umalis ang sasakyan ni lucas. Matapos marinig ang paliwanag ng guard ay umalis na si andrea at nag desisyon na itong uuwi nalang. Habang naglalakad siya papuntang sakayan ng jeep, ay may napansin siyang parang sumusunod sa kanya. Nang lingunin niya ito ay si Lucas. Naka tawa ito sa kanya. Huminto siya sa pag hakbang, agad namang hinawakan ni Lucas ang kamay niya ng tumapat ito sa kanyang harapan. "andeng, sorry ngayon lang ako naka balik.. Akala ko talaga hindi na kita maabutan.. Mabuti nalang late ka na naka labas ng office, at sakto pag hinto ng sasakyan ko sa entrance ng building ay nakita kita kaagad na nag lalakad.. Tara na!" Paliwanag ni Lucas kay andrea, at hinila na nito ang kamay ni andrea papunta sa kina pa paradahan ng sasakyan nito. " oo late talaga ako nakalabas, si sir kasi ang tagal lumabas ng opisina niya.. Nahihiya naman akong iwanan siya.. " Tugon ni andrea habang hila hila ang kamay niya ni Lucas. Nang marating nila ang sasakyan ni Lucas ay binuksan nito ang pintuan sa tabi ng driver seat at doon pina upo si andrea. Nang maka sakay na si Lucas ng kotse ay doon lang ito muling nag salita. "nag text ka ba andeng?" At lumingon ito sa gawi ni andrea. "oo noh, akala ko hindi na tayo tuloy. Hindi mo man lang ako ni replyan.." Tugon ni andrea sa binata. Inirapan niya ito pero may ngiti sa kanyang labi. "sorry talaga.. Pabalik na kasi ako dito ng biglang na lowbat ang cellphone ko.. Naiwan ko pa sa bahay yung power bank ko.." "kaya naman pala.." "sana hindi ka ma turn off sa akin.. May pag asa pa rin ba ako?.." Tanong ni Lucas na naka ngiti. "hmmm.. Pag iisipan ko Luke.." "ay grabe siya oh!.." Hindi sumagot si andrea, pero tumawa ito. Dinala siya ni Lucas sa fine dining restaurant. Dahil hindi maka pili si andrea ng gusto niyang kainin, ay si Lucas na ang nag order ng kanilang mga kakainin. Maraming nakain si andrea, dahil nakalimutan niya ng mag meryenda kakahintay ng uwian. Excited kasi siya na makasama ulit si Lucas. Matapos nilang kumain ay dinala siya ni Lucas sa isang lugar na mayroong mga tumutugtog na banda. Natuwa si andrea, dahil mga paborito niya pang banda ang tumutugtog. Tumagal din sila ng dalawang oras sa pakikinig sa iba't ibang musika na tinutugtog ng mga sikat na musikero. Naisipan pa nilang mag lakad-lakad habang nagku kuwentohan sa labas ng isang sikat na mall. Maganda kasi ang labas ng mall, para itong luneta ang ayos, pwede ka ring mag picnic kung gugustuhin mo. May mga puno kasi na naka palibot sa labas ng mall at may mga d**o pang maliliit ang tubo, kung saan pwede rin kayo umupo kung gugustuhin ninyo. Nang mapagod na sila ng kalalakad ay nag yaya na si Lucas na umuwi na sila. Alas diyes na kasi ng gabi at ayaw niyang pauwiin si andrea ng alanganing oras na. Gusto niya pa sanang makasama ang dalaga, ngunit natatakot siya para sa dalaga, alam niya kasi na mag isa lang ito sa inuupahan nitong bahay. Sa susunod na araw niya nalang ulit yayain ang dalaga na lumabas. Nang maihatid na niya sa inuupahan nitong bahay si andrea ay tahimik lang ito. Hanggang sa ng mag paalam na siya dito na aalis na, doon lang ito nag salita. "l-luke.. May s-sasabihin ako sayo.." Tumingin si Lucas dito ng mayroong pag tataka sa kanyang mukha. Kahit na nag sasalita ang dalaga ay seryoso parin kasi ang mukha nito. Samantalang panay tawa naman ito kanina habang nasa galaan pa sila. "why? May problema ba?.." Tanong ni Lucas sa dalaga. Hinawakan niya ang kamay nito, ngunit agad din nitong binawi ang kamay nito, mula sa kanyang pag kakahawak. "luke.. I like you.. pero h-hindi pa ako handang makipag relasyon.." Nakita niyang lumunok ng laway ang dalaga bago ito nag salitang muli. Nakikinig lang si Lucas dito, habang naka titig sa mukha ni andrea. "ang kinabukasan kasi muna namin ng kapatid ko ang dapat kung unahin.. Alam mo naman diba wala na kaming mga magulang at parang ako na ang tumatayong pangalawang magulang ni Dominic.." "i know andeng.. Hindi naman kita minamadali eh.. Dito lang ako mag hihintay sayo kung kailan handa ka na.." "eh paano kung abutin pa ng taon?.. Mag hihintay ka parin ba?.." Nag dadalawang isip pang tanong ng dalaga kay Lucas. Napangiti naman si Lucas. "oo naman.. I really really like you Andrea.. Kaya mag hihintay ako, kung kailan ka handa.. Huwag kang ma pressure sa akin.. Masaya na ako na makita at makasama lang kita.." Matapos na sabihin iyon ni Lucas, doon lang lumiwanag ang mukha ni andrea. "oh paano aalis na ako ha.. Mag iingat ka rito.. Baka kasi hindi ko na gustohing umuwi pa, kapag nag tagal pa ako dito.." Saad ni lucas na naka tawa na. Tumawa na rin si andrea. "sige na, lumayas ka na! Natakot naman ako sa sinabi mo!.. Ingat ka ha.." "okay sige.. See you tomorrow!.." Paalam ni Lucas kay andrea at humakbang na ito papunta sa kanyang kotse. Nang maka sakay ito ng kanyang sasakyan ay kumaway pa ito sa naka tayong si andrea. Nang mawala sa kanyang paningin ang sasakyan ni Lucas ay doon lang pumasok ng bahay si andrea. Nakapag desisyon na kasi si andrea na tatanggapin niya na ang alok sa kanya ni ginang helen. Natakot kasi siya na baka hindi na makayanan ng kapatid niyang si Dominic ang pag hirap sa pakikisama sa kanilang mga pinsan na anak ng kanilang tiya loren. Hindi na niya hihintayin pang may mangyari pang masama sa kaisa isa niyang kapatid. Dahil kapag nagka taon ay tiyak na magagalit sa kanya ang kanyang mga magulang, kapag tiniis niya ang kanyang kapatid, gayong alam naman niya na hindi ito masaya sa bahay ng kanilang tiyahin. Naisip rin ni andrea na kung talagang gusto siya ni Lucas ay tutuparin nito ang sinabi sa kanya na mag hihintay ito kung kailan na siya handa. Kinabukasan, maagang nagising si andrea kaya maaga din siyang makaka alis ng kanyang apartment. Pag bukas niya ng kanyang pintuan ay nagulat siya sa taong naka tayo sa harapan ng Kanyang pinto. Ang ina ni nicko na si Ginang Helen. Binati siya nito ng may ngiti sa labi nito. "good morning iha.. Papasok ka na ba?" "g-good morning din po ma'am.. Opo paalis na po ako.. b-bakit po kayo na rito ma'am?" Sa tanong na iyon ni andrea ay alam niya na rin ang sagot sa sarili niyang katanungan. Gusto niya na lang na manggagaling mismo sa bibig ng donya, kung ano ang pakay nito sa pag punta sa apartment niya mismo. "andrea.. Alam kung hindi ka na nag tataka kung bakit ako naririto.. Ayaw ko na kasing patagalin pa ang inaalok ko sayo.." Humakbang palapit dito si andrea, upang mas marinig niya pa ang sasabihin ng ginang. "gusto ko ng malaman ang naging desisyon mo iha.. Nang sa ganun kung ayaw mo mang tanggapin ay makakahanap ako kaagad ng ib—" "tinatanggap ko ho Ma'am.." Putol ni andrea sa iba pang sasabihin ni ginang helen. Lumiwanag naman bigla ang mukha ng matandang babae at niyakap nito si andrea. "salamat iha.." Saad nito kay andrea, habang naka yakap parin ito sa dalaga. Nang kumawala ito sa pagkaka yakap kay andrea ay naka ngiti na ito na halos abot hanggang tenga ang ngiti. "basta ba ma'am, tuparin niyo yung sinabi ninyo na isang taon lang po.. At kapag hindi ako naging masaya sa piling ng anak niyo ay maaari ko siyang iwan, tama po ba?" Saad ni andrea sa matandang babae. Naka ngiti parin ito sa kanya ng mag salita ito. "oo iha.. Isang taon lang.. Kapag ayaw mo talaga sa anak ko ay malaya kang iwanan siya.. Basta ay kailangan na mapasaya mo siya sa loob ng isang taon na yun iha.. Huwag kang mag alala mabait na bata ang anak ko.. Hindi ka naman mahihirapang paki samahan siya.. Tatawagan nalang kita iha sa susunod nating hakbang kung paano magiging kayo ng anak ko.. " " sige po ma'am.. " " okay iha.. O paano sumabay ka na sa amin ni Delfin.. Idadaan ka na namin sa opisina.. Tumango si andrea bilang tugon sa sinabi ng ginang. Inihatid nga siya sa kanyang pinapasukang trabaho. Medyo maaga pa ng dumating siya kaya wala pa si nicko ng dumating siya ng opisina. Kakaupo niya lang sa kanyang upuan ng tumunog ang kanyang cellphone. Nakita niya ang pangalan ng ginang na lumabas sa screen ng kanyang cellphone. Hindi na siyang nag taka, dahil kinuha nito ang kanyang cellphone number kanina habang nasa biyahe sila. Agad niya itong sinagot. "hello andrea.. Iha sana wala kang ibang pag sa sabihan ha.. Ayokong may iba pang makakaalam ng lahat ng pinag usapan natin.. Lalo na ang anak ko.. Hindi niya pwedeng malaman.." "huwag po kayong mag alala Ma'am, ililihim ko po ito sa lahat.. Ayoko rin po na mapag usapan ako.." "salamat iha.. Salamat.." Pagka tapos na sabihin iyon ng ginang ay nawala na ito sa linya. Sakto namang pag pasok ng pinto ni nicko. Binati ito ng dalaga at ngumiti naman ito sa kanya bago tumuloy sa opisina nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD