Habang nag lalakad ay na pahinto ang dalawa ng tawagin si nicko ng step father nito. Lumingon ang binata dito. Nagulat si nicko ng akbayan siya ng kanyang step father. "bakit parang nag mamadali ata kayo.. Minsan na nga lang tayo mag kita.." Saad ng step father ni nicko sa kanya. "because we need to go back to the office.. Marami pa akong hindi na pipirmahang Papers.." Paliwanag ni nicko kay Efren. "sayang yayain sana kitang uminom kahit sandali lang.. But anyway sige next time nalang iho.." "sige ho.. Mauuna na ho kami.." Tugon ni nicko kay Efren. Ayaw niya kasing makipag plastikan dito. Alam niya kasi na kapag pinag bigyan niya ito ay pareho lang silang mag papanggap na gusto nila ang isa't isa. Tumango lang ang matanda kay nicko at tinapik siya nito sa braso. Muli na silang

