"bakit ka nasa labas iha?.. Nasaan si nicko?..." Nang lingunin niya ito ay si mang delfin. Naka tayo ito sa likuran niya. Marahan itong nag lakad palapit sa kanya at umupo ito sa tabi niya. "si nicko ho eh, nakaka inis na.. Sinabihan ko ng huwag uminom ayun, uminom nanaman.. Iniwan pa ako ng walang paalam.. Kung saan-saan ko na nga hinanap, hindi ko naman makita.." "eh bakit hindi mo subukang bumalik ulit sa loob.. Baka ikaw naman ang hinahanap niya.." "naku, ayoko na ho.. Nag mumukha na akong tanga sa kaka hanap sa kanya.." May ilang segundong namayani sa kanilang dalawa ang katahimikan. Narinig niyang tumikhim ang matanda tsaka ito nag salitang Muli. "alam mo iha.. Nung bata pa si nicko ay napaka masiyahing bata niyan.. Palaging may ngiti sa kanyang mga mukha.. Pero mula nung

