Prologue

877 Words
"Kim, ang bigat naman nito." sambit ko habang bitbit ang tray na may lamang mga biscuit at iba pang meryenda para itinda sa classroom. Nagtatawanan kami ni Kim habang buhat-buhat ang tray na kinuha naming dalawa sa canteen. Kami kasi ang nagvolunteer kumuha nito para ibenta sa classroom at may makain ang mga kaklase namin sa recess. "Dapat tayo lagi ang kukuha ng tray para makatakas tayo kay sir," ani Kim, we both chuckles habang paakyat ng hagdan. Natigil ang paghalakhak naming dalawa nang tumilapon ang tray na kanina'y hawak naming dalawa. Halos masubsob naman ako sa pader at natumba naman si Kim dahil sa pagtatakbuhan ng tatlong batang lalaki. Hindi sila lumingon at patuloy sa pagtatakbuhan habang naghaharutan. I sighed because of frustration. Nagkalat kasi ang mga pagkain at ibang biscuit sa sahig. Mabuti nalang at hindi soup ang kinuha namin. "Ang gugulo naman nila!" Inis na singhal ni Kim. Mabilis ko siyang nilingon, nakakunot ang noo niya habang pinupulot ang mga nagkalat na paninda. Bahagya ko pang nilingon ulit ang mga batang lalaki na sa tingin ko ay grade 6 din tulad namin. Papunta rin kasi sila sa building kung saan ang building namin. Naaninag ko pa ang pinakamalikot na lalaki papalayo samin. Bungisngis at halata mong makulit dahil takbo ito nang takbo. "Hindi manlang nagsorry." Kunot noo kong sambit. Napabuga nalang ako sa hangin saka umiling. Tinulungan ko si Kim pulutin ang mga paninda tsaka kami direktang naglakad papunta sa room namin. *** "Lyonne, samahan mo nga ako sa third floor! Inutusan kasi ako ni sir ibigay to sa president nila." Napatigil ako sa pagsusulat ng lecture nang tawagin ako ni Kim. Hawak hawak niya ang mga DIY trash bin na project namin. Tapos na kasi kami gumawa. Malamang ay gagawin na namang example ni sir 'tong mga gawa namin. "Ayoko, tinatamad ako. Nagsusulat pa ako." Ani ko at tinuloy ang pagsusulat. Ngunit hindi pa man ako nakakatapos ng isang word ay hinila na ako ni Kim patayo. Sumimangot naman agad ako dahil alam kong magtatampo siya kapag hindi ko siya sinamahan. Kinuha niya ang isa pang DIY Trash bin at ibinigay sakin. "Ikaw magdala nitong isa." Natatawang sambit niya. "Wow! Kaya pala sinama mo ako para may tagabitbit ka." I said sarcastically. Natawa naman siya saka naglakad palabas ng room. Nang makarating kami sa room na pagdadalhan namin ay nakita ko ang isang pamilyar na batang lakaki. Bungisngis na naman ito habang naglalaro sila ng katabi niya. Siya yung lalaking nakabunggo samin noong nakaraang araw. Napangiti ako dahil sa kulit niya. Napaka-masiyahin naman nito, kaya di marunong magsorry, nakakaturn off. "Excuse me po, sino pong president niyo? May inuutos lang po si sir." Pagtatanong ni Kim sa isang estudyanteng prenteng nakaupo sa tabi ng bintana. Ilang sandali pa ay may iba pang tinanong si Kim sa estudyante. Hindi ko naintindihan dahil nakafocus ang tingin ko sa batang lalaki. "Sino tinitignan mo?" Pabulong sakin ni Kim. Hindi ko namalayang sa akin na pala siya nakatingin. Iniwas ko agad ang tingin ko sa lalaki saka siya tinignan. "Yung lalaking bumunggo satin, ibato mo kaya yan?" Pag-iiba ko. Mabilis na nilinga ni Kim ang mga mata niya ngunit hindi niya mahagilap ang tinutukoy ko. "Saan?" "Hi, bakit niyo po ako hinahanap?" Hindi ko na naituro sa kanya nang kausapin na siya ng hinahanap niya. Muli kong pinagmasdan ang lalaking makulit. Maingay ito at tawa nang tawa habang naghaharutan sila ng kaklase niya. Dito pala yung room mo ha. Ilang araw kong hinanap, akala ko hindi ko na makikita. *** "Lyonne! Saan ka mag-aaral ng first year?" Today is our graduation day! Ang bilis ng araw, suot-suot ko ngayon ang kulay puting toga. Nakatayo kami habang nagsisimulang magsalita ang valedictorian namin. "Sa may Fairmount High. Ikaw ba?" Sagot ko sa pagtatanong ni Kim. Nilinga-linga ko ang paligid ko. Hinahanap ng mata ko yung lalaking bumunggo samin. Sa tingin ko ay crush ko siya. Natutuwa kasi ako sa kanya na naiinis. Hindi ko alam pero ang cute niya sa paningin ko. "Sa province na ako, uuwi kasi kami ni mama." malungkot na sabi ni Kim. Napalingon naman agad ako sa kanya nang malamang sa probinsya na siya mag-aaral. Napagkwentuhan na rin namin kung bakit, gagawin pala siyang scholar doon. Mawawalan na pala ako ng bestfriend. Inenjoy nalang namin ang graduation ceremony. Umakyat kami ni Kim na may suot na medal. Top 1 siya at ako naman ay Top 4. Nang matapos ang ceremony ay babalik pa kami sa room para sa ibang announcement. Ngunit bago pa man umakyat ay hinanap kong muli yung crush ko. May possibility kasing hindi ko na rin siya makikita. Nang hindi ko siya makita ay agad na umakyat ako sa room nila para sana ay mag Hi manlang o magpakilala. Ngunit wala na rin siya. Nawalan na ako ng pag-asa, alam kong hindi ko na makikita ang first crush ko. Simula kasi nang makita ko siya ay hindi na nawala sa isip ko ang cute niyang mukha. Maliit at kayumanggi ang kulay niya. Maamo ang kanyang mukha, hindi matangos ang kanyang ilong ngunit hindi 'yon nakapagpatanggal ng pagiging cute niya. Makapal ngunit mapula ang kanyang labi. Gusto ko siyang makita ulit ngunit alam kong huli na din. Hindi ko na siya makikita ulit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD