Chapter 1

1485 Words
Lyonne's POV "Okay, again! Ms. Belaverde!" I shook my head and took a glance into our teacher. Napabalikwas ako ng upo dahil nahulog ang ulo ko mula sa aking pagkakalumbaba at pagkapikit ng mata ko. Muntik na ako makatulog. Sobrang inaantok ako dahil sa kababasa ng w*****d kagabi. Napuyat masyado. "Stand up and answer my question." Damang dama ko ang inis ni ma'am sa'kin. Ilang beses ko na kasi natulugan ang subject niya. "What is verb?" she raised her eyebrow while waiting for my answer. "An action word?" I guessed. Pang-elementary yung topic that's why inaantok ako. She then sighed. Sinenyasan niya din akong maupo saka tinuloy ang discussion. Ilang beses niya pa akong sinamaan ng tingin nang mapansin niyang humihikab ako. Hindi naman sa pagiging disrespectful pero wala rin akong magawa dahil sa kaantukan ko. Nagising nalang ako nang marinig ko ang pag-ingay bigla ng mga kaklase ko, hudyat na umalis na ang teacher namin. Wala pang isang minuto ay narinig ko na ang boses ng kaibigan ko. "Hoy! Ikaw wala kabang gagawin?" singhal sa akin ni Janice nang makalapit siya sa akin. Galing kasi siya sa kabilang side dahil sa seating arrangement na ginawa ng teacher namin sa English subject. Lumilipat lamang ulit si Janice sa tabi ko after matapos ng English subject namin. Bahagya kong iniangat ang ulo ko saka siya tinignan. She is indeed beautiful. Ang biro nga sa kanya ay bumbay dahil sa ganda nito. Her tan skin is flawless, maamo ang kanyang mukha, singkit ang kanyang mga mata, chinita kumbaga, ang kanyang ilong naman ay napakatangos at mayroon din siya manipis ngunit mapulang labi dahil sa kanyang suot na liptint. Mahaba ang kanyang straight na buhok at natatakpan ng kaunti ang kanyang noo dahil sa side bangs. "Hindi ako makatulog kagabi, tinapos ko kasi yung assignment sa drafting." Sambit ko habang humihikab. Ngunit ang totoo ay nagbasa lang naman ako ng w*****d. Baka kasi kaltukan niya ako kapag nalaman niya ang totoo. Umupo si Janice sa harapan ko saka niya ako tinignang maigi. "Math subject na natin, tanga!" natatawa ngunit mahinhing tugon niya saka niya hinampas nang mahina ang kanyang bibig dahil sa kanyang pagmumura. Oo nga pala, bawal pala kapag wala kaming dala na scientific calculator. "Hala gagi! Wala akong dala." natataranta akong tumayo dahilan para nawala ang aking antok. Malalagot na naman ako kay Ma'am Gonzales. Palalabasin na naman niya kami ng room kapag wala na naman kaming dalang calculator. "Tara, manghiram tayo kabilang section. Doon sa kaibigan ko." tumayo kaming dalawa saka walang alinlangang lumabas ng room. Narinig ko ring nag-announce ang President namin na manghiram ng scientific calculator sa kabilang section ang mga walang dala upang hindi mapalabas ni ma'am. Huminto kami ni Janice sa harap ng maingay na room. Wala silang teacher at may kanya-kanya silang ginawa. Yung iba ay nagdadaldalan at ang iba naman ay tahimik. Lumapit si Janice sa bintana saka niya kinalabit ang isang lalaki. Maputi ang balat nito at makinis, ang buhok niya ay magulo, makinis din ang kanyang mukha at mayroong kulay brown na mata. Makapal at itim na itim ang kanyang kilay. Matangos ang ilong saka may magandang ngipin. Ngumiti ang chinitong lalaki kaya nakita ko ang kanyang magandang ngipin at hindi rin nakatakas sa aking paningin ang paglabas ng kanyang dimple. Nang tumayo ito, pasimple kong tinignan ang kanyang taas. Matangkad ito ng kaunti sa amin ni Janice. "Hi, Blue!" dinig kong sambit ni Janice sa lalaki habang kumakaway. Ano ba itong babaeng 'to, ang daming kilalang schoolmate namin. "Pakitawag nga si Jay, please. Salamat." ngiting tumango naman si Blue. Mukha namang mabait. "Jay! Tawag ka!" Narinig kong sigaw ng lalaking kausap ni Janice kanina na tinawag niyang Blue. Lumingon naman ang kaklase nitong kanina lamang ay busy sa pakikipagdaldalan. Kilala ko si Jay dahil palagi itong bumibisita sa classroom namin. Lesbian ito, kayumanggi ang kanyang kulay at may mahabang buhok na palaging naka-ponytail. Maitim naman ang ibabang mata nito dahil sa eyeliner at may kaitiman din ang kanyang labi. Hindi ako pinansin ni Jay dahil hindi rin naman kami close. Hindi rin naman ako nag-atubiling kausapin siya dahil ayaw namin sa presensya ng isa't-isa. Wala naman kaming naging away o ano pero hindi ko lang gusto ang way kapag tumingin niya sa akin palagi. Sa araw-araw naming pagkikita ay palaging masama ang tingin niya sa akin na para bang may tinatagong galit o inis siya sa akin. "Pahiram calcu," Janice pout her lips saka ngumiti. "Wala akong dala eh, hiraman nalang kita--" saglit pa ay tumingin sa akin si Jay mula ulo hanggang paa. "Wala rin siya? Hiraman ko nalang din." Walang anu-ano ay umalis din siya sa harapan naming dalawa. "Diba? Madami tayong source." Natatawang sambit sa akin ni Janice. Natawa rin naman ako dahil may pakindat-kindat pa siya. Wala pang isang minuto ay bumalik na si Jay, dala-dala ang isang calculator. Napatingin kami sa kanya nang lumabas siya sa room nila para sabihing wala ring dala ang iba niyang kaklase. "Janice, isa lang eh. Manghihiram lang din daw sila sa ibang section." Nahihiyang sambit ni Jay. Napakamot pa siya sa kanyang batok saka tumingin sa loob ng classroom na para bang naghahanap kung sino pa ang di niya napagtanungan. "Okay lang, manghihiram nalang kami sa iba," nahihiyang sabi ko. Lumingon naman sa akin si Jay saka tumango. "Wala na talaga?" pangungulit pa ni Janice. Mukhang umaasa pa siya na may magpapahiram. "Wala na eh, puro wala silang dala." Sasagot na sana ako dahil mukhang mas namomroblema pa silang dalawa kumpara sakin, ngunit hindi pa man ako nakakapagsalita ay may narinig akong pamilyar na boses. Mabilis namin 'yon nilingon saka nakitang nakangiti siya sa amin. "Ano 'yon? Nanghihiram kayo calculator?" sambit ng isang lalaking nakaupo sa tabi ng bintana. Katabi niya ay ang tinawag kanina ni Janice na Blue. Maayos at bagsak ang kanyang itim na buhok, kulay brown naman ang kanyang mga masasayahing mata, makapal ang kilay, saka mayroong hindi katangusang ilong at mapupula ngunit makapal na labi. Nakatingin siya sa akin habang nakangiti na dahilan para ikalaki ng mata ko. Mabilis kong binawi ang ekspresyon ko. Nakita ulit kita. "Ay! Hi Clarence! May calcu ka? Wala kasing gagamitin si Lyonne." malungkot na sabi ni Janice habang kinakausap ang lalaki. Siya 'yon. Yung lalaking hinanap ko. Ang lalaking patago kong hinahanap taon-taon. Wala akong naging balita sa kanya last school year dahil hindi kami nagtatagpo. Noong grade 7 ako ay nasa kabilang building lang siya, palagi ko siyang nakikita sa canteen. Noong grade 8 naman kami ay nasa same building lang kami at isang room lang ang naging pagitan namin kaya palagi ko siyang nasisilip. Ngunit noong grade 9 naman kami ay hindi nagtatagpo ang landas namin. Ang buong akala ko ay lumipat na siya ng school or nagdrop. Ngayon ko lang din nalaman ang pangalan niya. Akala ko hindi ko na siya ulit makikita. Napakaliit talaga ng mundo, magkaibigan pala sila ng kaibigan ko "Meron, ibalik niyo agad ha. Pagkatapos niyo sa amin naman si Ma'am." nakangiting tugon niya habang inaabot kay Janice ang calculator. Palihim akong ngumiti habang tinignan siya. Napaka-cute talaga ng lalaking 'to. Nalipat naman ang tingin ko kay Blue dahil nasipat kong nakatingin siya sa akin kaya mabilis kong inilipat ang tingin ko. Baka malaman niya pang crush ko si Clarence. "Salamat! Balik namin agad," dinig ko ang saya sa boses ni Janice saka lumingon sa akin. "Buti nalang meron si Clarence be, lagot talaga tayo kay Ma'am G kapag wala." natawa naman kaming dalawa habang paalis sa room nila Clarence. "Sino 'yon?" patay-malisya kong tanong kay Janice, ayaw kong may makaalam na crush ko ang lalaking 'yon dahil malamang ay hindi ko na malalapitan kapag nagkasalubong man kami. "Ah 'yon, bestfriend ko si Clarence. Classmate ko noong Grade 7." patango tango naman ako at hindi na muli nagtanong. Ayokong magbigay ng hint. Baka ano pa ang mangyari. ** "Class dismissed!" huling hiyaw ng last subject teacher namin. Mabilis akong nagpaalam kay Janice at sa iba ko pang mga kaibigan bago umuwi. Antok na antok na kasi talaga ako. Kailangan ko nang makauwi. Nang makarating ako sa bahay ay dumiretso ako sa kwarto ko. Mabilis akong humiga saka nagtipa sa cellphone ko. Binuksan ko ang f*******: account ko saka inistalk si Janice. Hinanap ko agad sa friendlist niya ang pangalan ni Clarence, hindi naman ako nahirapan hanapin siya dahil nasa bungad lang din pala ang pangalan niya. "Clarence Melendez." I murmured. "Sheez ang pogi naman ng pangalan nito!" hiyaw ko saka nagtakip ng unan sa bibig. Ngumiti ako saka inistalk ang f*******: account niya. Napakapogi naman ng lalaking 'to. Kinikilig akong nagpatuloy magscroll sa kanyang timeline. Wala rin siyang gaanong post. Saglit pa ay nagbihis ako nang nakangiti. In almost 5 years, nalaman ko rin ang pangalan niya. Humiga ako saka nagpahinga, marami pa akong gagawin mamaya. Ang mahalaga ay good vibes ako dahil nakita ko ulit siya. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD