Lyonne's POV
"Good morning, Janice!" I smiled brightly as I entered the classroom. "Good morning, classmates!" Sabay-sabay namang lumingon sa akin ang mga kaklase ko saka nila ako binati.
Araw-araw akong ganito sa kanila, minsan pa nga ay iisa-isahin ko ang pangalan nila para batiin sila sa umaga.
Lumapit agad ako sa upuan ko saka nagtatakang tinignan ako ni Janice.
"Happy? Ang aga mo ngayon, himala hindi ka late. Good mood ah? " Tinignan niya ako saka niya ulit tinuloy ang ginagawa niya. Busy siya magtype sa cellphone at mukhang kinikilig.
"Hmm? Hindi naman." Ngumiti ako saka nagcellphone. Tinignan ko ang oras, may 15 minutes pa kaming natitira bago magstart ang flag ceremony.
"Kasabay mo ba si Shanaiah?" Saglit kong tinapunan ng tingin si Janice. Tumango naman ako sa kanya.
"Oo, nandoon siya sa room nila. Nagmamadali, gagawa pa raw siya ng assignment niya sa Math." Tumango-tango naman siya, nagtataka siguro siya dahil hindi sumilip si Naya sa room para kumustahin siya.
Napatingin kami nang pumasok na ang President namin sa room. Bitbit nito ang mga gamit niya at inilagay sa upuan niya. Mabilis din siyang pumunta sa gitna bago magsalita.
"Mga be! Labas na raw kasi magstart na ang flag ceremony." mahinang sambit niya saka hinintay lumabas kaming lahat bago siya lumabas.
Nang makalabas kami ng classroom ay nakapila na rin sa labas ang iba't-ibang grade level at sections. Mabilis akong pumila sa pinakalikod dahil ayaw ko sa pinakaunahan.
"Good morning, Fairmount High!"
Napukaw ang atensyon ng lahat dahil sa sigaw ng teacher sa harapan.
"Hindi naman kaya tayo mabingi niyan? Naka-microphone na nga siya tapos sumisigaw pa." Inis na bulong sa akin ni Janice.
Natawa naman ako sa reaksyon niya saka siya tinapik para lumingon sa harap. Paano naman kasi ay nakatingin na sa amin ang adviser namin. Masama ang tingin nito sa aming dalawa.
"Mukhang bad mood si ma'am ah?" mahinang ani Janice habang nakatalikod sa akin at nakaharap lamang sa harapan.
"Huwag kana magsalita r'yan, baka parehas tayo mahampas mamaya." I whispered.
Nang matapos ang flag ceremony namin ay inilingon ko ang sarili ko sa likuran. Hinahanap ng mata ko si Shanaiah, saglit lamang kami nagkausap kanina dahil sobrang busy niya. Palinga-linga ang mata ko nang mahagilap ng mata ko ay ang lalaking nagpaganda ng mood ko ngayon.
"Clarence." bulong ko saka ngumiti ng maliit. What a beautiful day!
"Kilala mo si Clarence?" Nagulat ako nang magsalita ang kaklase ko sa tabi ko.
Nakatingin din siya sa gawi ni Clarence saka niya ako sinipat ng tingin. Ngumiti siya sa akin saka hinintay ang sagot ko sa kanyang tanong.
"Ah, tinawag kasi siya ni Janice kahapon." I smiled awkwardly. Tumango-tango naman si Kuya Dencio, mukhang satisfied naman siya sa naging sagot ko. Kinabahan ako. Baka mamaya ay malaman nila at asarin nila ako.
"Ano 'yon?" nagtatakang tanong ni Janice. Narinig niya sigurong sinabi ko ang pangalan niya. "Narinig ko name ko." Chismosa talaga.
"Wala, tinanong ko lang sa kanya kung kilala niya si Clarence. Akala ko naging kaklase niya rin dati." Pag-eexplain ni kuya Denden. "Bestfriend ko kasi 'yon." pahabol niya.
Wow, ang dami namang bestfriend ni Clarence. Napaka-friendly ah. Bakit hindi ko manlang sa kanila nakilala si Clarence agad.
"Ah? Bestfriend ko rin 'yon eh." paghahamon ni Janice.
O edi kayo na bestfriend si Clarence. Ako kasi yung asawa. Napangiti nalang ako sa naisip ko. Kung alam niyo lang.
***
"Li! Pahiram nga ako ng cellphone mo." Nilingon ko ang kaklase ko na si Nico.
Si Nico ang kaklase naming makulit pero nakakainis. Maputi, matangkad, matangos ang ilong at mayroon din siyang mapulang labi. Ang pinaka-attractive na part ng kanyang mukha ay ang kanyang nunal na nasa gilid ng kanyang kanang ibabang mata. In short, gwapo siya. Kaya lang parang may turnilyo sa utak. Isip bata.
"Paano kung ayoko?" mahinang sambit ko saka itinuloy ang pagsusulat ko.
"Sige na. Parang di ka naman classmate." Nagtatampong sambit niya. Tumayo na si Nico saka siya lumapit sa akin.
"Kung ako sayo, pahiramin mo nalang. Di 'yan titigil." natatawang sambit naman ni Elina. Isa sa mga kaibigan ko.
Si Elina ay ang isa sa mga kaibigan ko. Naging classmate ko siya simula grade 9 ako. Mayroon siyang maikling buhok na umaabot lamang sa kanyang balikat, may bilog na hugis ang kanyang mata, pango ang kanyang ilong at may hindi kapulahang labi. Simpleng babae si Elina pero maganda. Siya ang kaibigan ko na napakamasayahin. Mabait din siya at madaldal.
"Isesend ko nalang sayo yung copy." Ngumiti ako kay Nico saka siya hinintay umalis. Ngunit matigas ito saka lang din ako nginitian.
"Wala akong load." Nakangiting aniya.
Nawala naman ang ngiti ko saka inilabas ang cellphone ko. Padabog kong iniabot sa kanya ang cellphone ko. Wala rin namang password 'yon dahil hindi ako mahilig maglagay.
"Thank you, Li!" mabilis pa kay Flash nang mawala siya sa paningin ko. Ang sabi ko nga ay hindi ako mananalo dahil sa anger issue ko. Gagawin ko lahat mawala lang sa paningin ko ang mga makukulit.
"Hanapin mo nalang dyan sa Photos." inis na suggest ko kay Nico. Umiling-iling pa ako bago ituloy ang pagsusulat.
"Okay lang yan be, pero sana binato mo nalang din ng notebook. Mukhang masama loob mo eh." Natatawang ani naman ni Carla. Wala ring nagawa kundi tumawa si Janice, Michelle at Elina.
Bakas pa rin kasi sa mukha ko ang inis.
"Woah! Woah!" Napalingon kami agad nang sumigaw si Nico.
Napatakip pa siya ng kanyang bibig saka para bang gulat na gulat at natatawa. Nakatingin siya sa cellphone ko habang pinipigilan ang ngiti sa labi niya.
"Bakit boy?" nagtatakang lumapit sa kanya si kuya Dencio at iba pa naming kaklase habang tinitignan ang cellphone ko. Mga chismoso.
Wala naman silang makikita sa photos ko dahil puro screenshots lang ng memes at mga pictures lang ng mga kaibigan ko ang nandoon. Hindi kasi ako mahilig magselfie.
Nagtinginan naman kaming magkakaibigan dahil litong-lito at iniisip kung anong ginagawa ni Nico sa cellphone ko. Sabi ko nga ay may saltik lang ang lalaking 'to. Dapat hindi nilalapitan. Nagkibit-balikat nalang kaming lima.
Babalik na sana ako sa pagsusulat nang magsalita ulit si Nico.
"Uy ikaw Lyonne ha!" Natatawang aniya. May halong pang-aasar naman ang kanyang ngiti kaya inirapan ko siya. I don't want to waste my time sa may saltik.
"Hanapin mo nalang yung lesson dyan na kokopyahin mo, wag ako yung guluhin mo." naiiritang ani ko saka humarap sa notebook ko upang ituloy ang pagsusulat ko.
Narinig ko namang nagtawanan ang mga kaklase kong lalaki na nakapalibot sa kay Nico.
"Bakit may picture dito si Clarence sa gallery mo?" Pang-aasar niya pa.
Nanlalaki naman ang mga mata ko dahil sa narinig ko. Mabilis niyang napukaw ang atensyon ko kaya iniharap ko kaagad ang sarili ko sa kanya. Naramdaman ko ang mabilis na pag-init ng mukha ko saka napatakip ng bibig. Mabilis din akong binalutan ng kaba dahil alam kong ngayon ay nabuking na ako. Lumingon sa akin ang apat kong kaibigan at nagtataka. Mukhang hinihintay nila ang sagot ko. Tinapunan ko ng tingin si Janice, lumiit ang mata nito na parang inoobserbahan ako.
Oh my god! I'm doomed.
Sa limang taon kong pagtatago ng crush ko ay mabubuking lang din agad ako dahil sa pagdownload ko ng picture niya. Bakit hindi ko manlang naisip na may gagalaw ng cellphone ko?
"Patingin!" sigaw ni Michelle saka inagaw ang cellphone ko kay Nico.
"Ikaw Lyonne ah, may crush ka na pala ha." Lumipat ang tingin ko kay kuya Dencio. Nakangisi siya habang tumataas taas pa ang kilay. "Kaya pala tinitignan mo kanina." Pang-aasar niya pa.
"Dalaga na si Lyonne!" sigaw naman ni Mark. Ang kaklase kong bisexual.
"Nasa kabilang section pa." nakangiting ani Kuya Lincoln.
Oh my god! Oh my god!!
Napatakip nalang ako ng aking mata saka iniisip kung anong sasabihin ko. Hindi ko kayang dipensahan ang sarili ko dahil alam kong kitang-kita sa ekspresyon ko ang sagot.
"Sino 'to? Hindi ko kilala." Nagtatakang ani naman ni Michelle. Nakakunot ang kanyang noonat iniisip kung nakita niya na ba si Clarence.
"Patingin nga," inagaw naman ni Elina ang cellphone ko kay Michelle. Parehas na tinignan ni Elina at Carla ang cellphone ko.
"Hindi ko rin kilala," napakunot ang noo ni Elina. "Ikaw kilala mo?" tanong niya pa kay Carla.
"Hindi rin." Iling-iling na ani Carla.
"Ako kilala ko 'yan." Napalingon naman sila kay Janice. Kinabahan ako nang nakangisi si Janice sa akin.
"Crush mo pala kaibigan ko ha. Ano 'yan nalove-at-first-sight ka nang pahiramin ka ng calculator?" Natatawang tanong ni Janice.
"Galing, pinahiram lang ng calculator nainlove na si Lyonne!" pangtsi-tismis ulit ni Mark.
Nagkantyawan ang mga kaklase ko na sanhi ng pagyuko ko. Nahihiya ako. Takte! Kaya ayaw kong may nakakaalam na crush ko 'yon e. Hindi matigil ang panunukso nila sa akin kaya nagsalita ako. Tumayo ako saka tinignan sila.
"Hindi no! Matagal ko na crush 'yan!" sigaw ko. Nanahimik silang lahat saka ako tinignan maigi.
"Oh talaga? Kailan pa?" tanong ni Janice.
"Nung grade 6 pa ako."
Umupo ako saka ikinuwento sa mga kaibigan ko lahat. Simula noong grade 6 ako hanggang ngayong grade 10 kami. Nag-isa isa naman silang nagtanguan dahil sa chismis na narinig nila. Nakiusap na rin akong manahimik nalang sila at magkunwaring walang alam. Alam naman din nilang ayaw ko ang inaasar ako. Lalo na kay Janice, nakiusap ako sa kanya lalo na at kaibigan niya pa naman si Clarence. Nalaman ko rin na magkakilala pala si Shanaiah at si Clarence. Magkaibigan din daw sila nang ikawento sa akin ni Janice.
Para raw sa katahimikan ni Janice, kailangan din daw malaman ni Naya. Wala naman akong magawa dahil isa si Shanaiah sa mga kaibigan ko. Baka magtampo pa kapag hindi siya sinabihan.
***
"Tambay muna tayo sa 7/11?"
Nang mailigpit ko ang gamit ko ay mabilis ko 'tong pinasok sa bag ko. Sinipat ko naman ng mabilis na tingin si Naya na katabi naman si Janice. Parehas silang nakangisi sa akin.
Oh? Yeah, whatever. Alam kong tutuksuhin lang nila ako.
"Pwede naman." Walang ganang sagot ko.
Alam ko naman na magiging topic na naman ako nilang dalawa.
"Sama kayo?" Tanong ni Shanaiah kila Elina.
Nagtinginan naman si Elina, Mich at Carla. Mukhang wala naman silang ibang pagkakaabalahan kaya tumango sila nang sabay-sabay.
***
"So bakit hindi mo manlang nai-chika sa amin te?" Shanaiah said. I heard them chuckled. I rolled my eyes and crossed my arms.
"Huwag niyo nalang kasing asarin." Pang-aasar pa ni Carla. Umiling nalang ako saka ininom ang binili kong chuckie.
Tumambay kaming anim sa 7/11. Anim talaga kaming magkakaibigan. Lima kaming nasa iisang section at ang nahiwalay lang ay si Shanaiah.
Si Shanaiah ay naging kaklase namin last year. Grade 9 student kami ngunit hindi namin gaano ka-close. Naya is the smartest among us. She is beautiful, maputi at chinita ang mata, maliit ang ilong saka manipis ang labi. Kulot din ang mahabang buhok niya. She is chubby. Madaldal siya at palakaibigan. Magaling siya sa Math at talaga namang aral na aral. Unlike sa aming lima. Naging friend namin si Naya dahil sa dating ka-M.U ni Janice. Close friend kasi 'yon ni Naya. And now, Naya and Clarence are bestfriends since elementary. Oh crap. What a day!!
"Magaling din magtago ng feelings e no?" natatawang ani Naya.
Lumingon ako sa kanya, nilalantakan niya ang ice cream na binili niya.
"Feelings ka riyan! Crush ko lang 'yon. Na-attract lang." pagtatanggol ko sa sarili ko.
Tama naman! Crush is crush. Anong feelings at in-love ang mga pinagsasabi nila.
"Teh? Crush lang? 5 years?" Balik niya sa akin. Akmang hahampasin pa ako ni Naya kaya umilag agad ako. Mabigat pa naman ang mga kamay niya.
"Nasa denial stage pa 'yan si Li!" Sagot ni Elina.
Nanahimik nalang ako kaysa pagtulungan nila ako. Wala namang imik si Michelle. Busy siya sa pagkain habang nagtitipa sa kanyan cellphone.
Si Carla naman ay busy naman kumain ng ice cream.
"Huy! Tamang-tama!" Mabilis kaming lumingon kay Naya na sumigaw. Napatingin din ang ilang mga tao sa lakas ng boses niya. Nakatingin siya sa gawi ng pintuan sa 7/11.
Nanlalaki ang mata ko nang mahagip ng mata ko si Clarence. Mabilis na tumibok ang puso ko. Nataranta ako dahil sa kaba. Hindi ko alam kung kinakabahan ba ako dahil kay Janice at Shanaiah na baka isumbong ako o dahil nakita ko si Clarence.
"Libre mo ako!" Tumayo si Naya saka naglakad papalapit kay Clarence.
Please! Please! Huwag niyo ako ibuking.
Gusto ko nalang magpalamon sa lupa.
Sinilip ko naman si Naya, lumingon siya sa akin at kinindatan ako. Narinig ko namang tumawa ang mga kaibigan ko.
"Kumalma ka, hindi kami magsusumbong." Mahinang sabi sa akin ni Carla.
Tumango naman si Janice saka ngumiti sa akin. Hinawakan naman ako ni Michelle para pakalmahin ako. Feeling ko ay iiyak ako kapag sinumbong nila ako.
"Act normal." Bulong sa akin ni Elina.
Pinakalma ko muna ang sarili ko saka sumilip ulit kina Clarence. May dalawa siyang kasamang lalaki. Ang isa ay si Blue at ang isa ay hindi ko kilala. Si Naya ay nagtuturo ng ipapabili kay Clarence.
Nasipat kong nakatingin sa akin si Blue. Nanliit ang mata niya habang tinitignan ako. Feeling ko tuloy nakakahalata siya. Ngumiti lang siya sa akin at lumapit kay Naya at Clarence. Ang isang lalaki namang kasama nila ay lumapit sa table katabi namin.
"Jul! Huwag kana umupo pre! Alis na agad tayo." Rinig kong sabi ni Clarence. Mabilis namang tumayo ang kasama nila saka sumama kay Clarence.
Nang makalabas sila ng 7/11 ay nakahinga ako ng maluwag.
"Crush mo lang talaga pero hindi ka mapakali?" natatawang sinabi sa akin ni Shanaiah na siya namang dahilan ng pagtawa ng apat na kasama ko.
Feeling ko 50/50 buhay ko dahil pagkalat na crush ko ang lalaking 'yon.