Gwynonah Napahawak ako sa dibdib ko, dahil hindi ako makapaniwala sa nakita ko sa aking isipan. Hanggang ngayon ay nanlalaki pa rin ang mata ko sa gulat. I saw in my vision, we are on the beach. Sobrang saya naming dalawa. Narinig ko na tinawag ko siya na Damon. Pero bakit gano'n? Walang mukha yung guy sa vision ko? Dahil sa pagkatulala ko, napa-angat ang tingin ko kay Damon na bagong ligo. May towel sa lower part niya, habang yung buhok niya ay tumutulo ng tubig. Impossible.. maraming Damon sa mundo na ito. Maaring nagkataon lang na Damon pangalan niya. Pero mas lalo ako naguluhan dahil paano ko nakilala si Haydes? "We will buy a grocery." He exclaimed. Hindi pa rin maalis ang tingin ko sakaniya. So bibili kami ng grocery? Edi aalis kami rito sa isla na ito? "I know what you are th

