Gwynonah Natahimik ang mga tao na nasa paligid ko. Maski si Damon ay hindi nakaimik. Pero nakakunot lamang ang noo nito. Ngunit nagtatambol sa kaba ang dibdib ko, yung tingin ng Lola niya na gusto niya talaga ako makausap. Kaya tumango ako at ngumiti. "Yes, Ma'am." Pagkasagot ko ay tinalikuran na ako at sumunod nalang ako sakaniya. Napakalaki ng mansion, kaya kung saan kami lumiko at kumanan. Hanggang sa makarating kami sa library. "Feel at home, child." Untag nito. Kaya nakahinga ako ng maluwag. She motioned me to sit down. Umupo siya sa sofa, kaya umupo ako sa tapat niya. "How are you, dear?" She asked suddenly. "I'm perfectly fine, Ma'am." I said. Bigla naman ito natawa saakin, parang hindi makapaniwala sa nasagot ko. "Don't lie to me, child. I may be old, but you can't fool me." S

