Ikalawang araw pa lang nina Jiselle sa Palawan ngunit pakiramdam ng dalaga ay parang ang tagal-tagal na nilang nagbabakasyong magkakaibigan. Kagaya ng ginawa nila kahapon muli silang nagtampisaw sa asul na asul na karagatan bago muling mananghalian. Ilang oras pa ang lumipas nang masayang kumain ang magkakaibigan ng niluto nilang pagkain. Dahil bukas pa ang kaarawan ng lola ni Tungsten kaya napili muna nilang magsayang magkakaibigan. Matapos ang kanilang pananghalian kaagad na nagkayayaan ang magkakaibigan na mag-island hopping na siyang ikinatuwa nila. Habang si Jiselle naman ay hindi mapakali sapagkat sabik na sabik na siya sa gagawin nilang magkakaibigan sa buong maghapon. “Kompleto na ba ang dadalahin ninyo sa isla na pupuntahan natin,” mahinahong tanong ni Tungsten. “Kompleto

