Dalawang linggo ang nakalipas buhat ng makabalik sila sa Palawan ngunit hindi pa rin maalis sa isip ni Timothy ang ginawang paghalik sa kaniya ni Jiselle. Para bang sa tuwing naalala ni Timothy ang senaryong ‘yon bigla-bigla na lamang bumibilis ang t***k ng kaniyang puso. Isama mo pa rito na hindi rin mawala-wala sa kaniyang isip ang matamis na ngiti ni Jiselle na mas ikinakilig pa ni Timothy. Kung kaya’t pakiramdam ni Timothy ay mas lalo lamang siyang nahuhulog kay Jiselle. “Mr. Lim, ano bang mayroon sa bintana at hindi maalis-alis ang tingin mo diyan?” nagtatakang tanong ni Binibining Cuizon kay Timothy. Isang malalim na buntong-hininga muna ang pinakawalan ni Timothy bago sagutin ang guro nilang si Binibining Cuizon. “Wala po, Ma’am. May naisip lang ako,” magalang na sagot naman

