Nagising na lamang si Jiselle sa isang kwarto na hindi ganoong pamilyar sa kaniya. Kung kaya’t mabilis na inilibot ng dalaga ang kaniyang paningin upang malaman kung nasaan nga ba siya. Nang mapagtantong nasa ospital siya mabilis na napabangon ang dalaga habang sunod-sunod na namang pumapatak ang luha niya nang maalala niya ang nangyari kay Timothy. Kaagad namang pumasok sa kwartong kinagisnan niya si Tungsten na may malungkot na ekspresyon na para bang kaunti na lamang ay gusto na nitong umiyak. Dahil sa nasaksihan hindi maiwasan ni Jiselle na hindi magtaka sapagkat namumutawi sa mata ni Tungsten ang kakaibang lungkot na labis na ikinakaba ni Jiselle. “Kumusta si Timothy? Gising na ba si Timothy?” kinakabahang tanong ni Jiselle kay Tungsten. Isang malungkot na ngiti muna ang pinak

