Sa pagmulat ng mata ni Jiselle muling binalot ng lungkot ang puso ng dalaga sapagkat muli niyang naalala ang pagkawala ni Timothy. Kung kaya’t muli na namang naglandas ang luha sa gilid ng mata ni Jiselle sapagkat pakiramdam ng dalaga ay may tumutusok na milyon-milyong karayom sa dibdib niya sa sobrang sakit ng kaniyang nararamdaman. Ngunit, ang pagluha ni Jiselle ay bigla na lamang naudlot nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto niya na siyang dahilan upang mapatingin ang dalaga sa paligid nito. Ganoon na lamang ang panlalaki ng mata ni Jiselle ng makita niya kung sino ang pumasok sa kwarto niya na may ngiting nakapaskil sa labi nito. Sa hindi malamang dahilan pakiramdam ni Jiselle ay bigla na lamang tumigil ang mundo niya dahil sa taong nasa harapan niya. Isama mo pa rito ang sakit sa k

