Maliwanag ang kislap ng bilog na bilog na buwan nang humahangos na tumatakbo si Jiselle sa lugar na hindi niya mawari kung saan. Habang ang mga pawis niyang paisa-isang naglalandas sa makinis at maputi niyang mukha dulot ng kabang hindi niya maalis-alis sa kaniyang dibdib. Bagamat, pagod na pagod na sa pagtakbo ang dalaga dahil sa humahabol sa kaniya hindi magawang tumigil ni Jiselle sapagkat alam niya sa kaniyang sarili na oras na tumigil siya ay papatayin siya nito. Ang pulang-pula na mata ang tanging nakikita lamang niya sa karimlam na tila ba wala man lang liwanag na paparating. Ang mga galos niya sa katawan ay unti-unting nagdurugo na siyang dahilan upang mamantsahan ang maputi niyang bestida. Isama mo pa rito ang takot na bumabalot sa kaniyang puso na siyang hindi maintindihan ni Jis

