Kabanata XXXIII - Pulang Buwan

1797 Words

Sa pagpula ng buwan, malalakas na alulong ng aso ang tanging maririnig nina Jiselle na sinasabayan na rin nang malalakas na hangin. Kung pagmamasdan ang lugar iisipin mong may paparating na delubyo na siyang labis na ikinatakot ni Jiselle. Sa halip na mawala ang alulong ng mga aso pakiramdam ni Jiselle ay para bang papalapit nang papalapit ang mga ito sa gawi nila habang hindi pa rin nawawala ang malalakas na hangin. Samantalang, hindi naman nakaligtas sa mata ni Jiselle ang pagkalito ng mga kaklase niya dahil sa biglang pagpula ng buwan na kahit siya ay naguguluhan na rin sa nangyayari.   “Ano bang nangyayari sa mundo natin?” nagtatakang tanong ni Magnesium.   “Hindi ko rin alam. Pero, sana ay walang masamang mangyari,” pagsagot naman ni Tungtsten.   Samantalang si Jiselle naman ay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD