Alas-kwarto pa lang ng umaga pero gising na gising na ang diwa ni Jiselle dahil ayaw ng dalaga na mahuli siya sa bus na sasakyan papunta sa camping site nila. Nang matapos magawa ni Jiselle ang mga dapat niyang gawin kaagad na nagtungo ang dalaga sa kwarto ni Timothy upang gisingin sana ang binata. Ganoon na lamang ang pag-iling ni Jiselle dahil naabutan ng dalaga na mahimbing pa rin na natutulog si Timothy sa malambot nitong kama habang balot na balot pa ito ng kumot. “Timothy, wake up! Baka mahuli tayo at maiwan ng bus na sasakyan natin.” “Five minute more, Jiselle. I’m still sleepy,” antok na antok na sagot naman ni Timothy kay Jiselle. “Ano bang ginawa mo at napuyat ka nang ganiyan?” Sa halip na sumagot si Timothy dahan-dahan na lamang itong bumangon kahit na ang totoo

