Sa isang liblib na lugar na nababalutan ng nagtataasang damo tahimik na binaybay ni Jiselle ang malawak na kaparangan habang pinagmamasdan niya ang mga batang malayang naglalaro ng saranggola ng mga ito. Sa sama ng loob ni Jiselle kay Timothy hindi namalayan ng dalaga na nakarating na pala siya sa kaparangan sa lugar ng Sta. Ines. Kaagad namang napailing si Jiselle sapagkat hindi niya akalain na sa Sta. Ines ulit siya mapapadpad. Ang kaibahan lang ay hindi siya sa kagubatan napadpad kung ‘di sa isang malawak na kaparangan at hindi kalayuan sa kaniyang tayo ay may malaking istraktura na niluma na nang panahon. Dulot ng pagtataka kaagad na tinungo ni Jiselle ang istraktura na natatanaw niya sa kaniyang kinatatayuan. Bakas man ang pagtataka sa kaniya, ipinagpatuloy pa rin ni Jiselle ang pagtu

