Lagaslas ng tubig at huni ng iba’t ibang ibon ang siyang tanging naririnig ng dalaga sa lugar na labis na ‘di-pamilyar sa kaniya. Isama mo pa rito na napupuno ng mga naggagandahang bulaklak ang gilid ng malinis na ilog. Samantalang, ang mga paru-paro na palipad-lipad sa iba’t ibang kulay ng bulaklak ang unang napansin ni Jiselle habang wala siyang tigil sa paglakad sa napakagandang lugar na ngayon lamang niya nakita. Bukod dito, hindi maintindihan ng dalaga ang mararamdaman niya sapagkat naguguluhan si Jiselle kung paano siya napunta sa misteryosong lugar na ngayon lamang niya narating. “Nasaan ba ako?” nagtatakang tanong ni Jiselle sa sarili. Hindi pa nagtatagal ang pamamalagi ni Jiselle sa misteryosong lugar nang bigla na lamang siyang makarinig ng samo’t saring mga bulungan. Kun

