Pasado alas-dose ng gabi ng may ilang pamilya na palihim na tumatakas sa lugar na dati ay nababalutan ng kasiyahan. Ngunit, sa isang iglap lamang ay nagbago na ang lahat mula nang mamatay ang dalawang tao na labis na hinahangaan ng mga sinasakupan ng mga ito. Kung pagmamasdan ang lugar daig pa nito ang isang sementeryo sapagkat nababalot na ito ng kadiliman na kung dati ay masisilaw ka sa kaliwanagan nito. Isama mo pa ang bagong namumuno rito na tila ba nilamon ng kasakiman sa kapangyarihan sapagkat lahat na lamang ng nagkakamali ay pinarurusahan nito ng walang pagdadalawang-isip. “Magdahan-dahan kayo sa inyong paglalakad. Wala dapat na makaaalam na tatakas tayo!” mahinang saad ni Melvin sa mga kasamahan. “Iyong mga bata, buhatin ninyo na kung kinakailangan para mas mapadali tayo s

