Kasalukuyan na nagmamaneho si Timothy patungo sa kinaroroonan ni Nestle pero hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi ni Jiselle. Habang sina Tungsten at Magnesium ay nakakunot pa rin ang noo at gulong-gulo sa nangyayari sa paligid nila. Hindi pa nagtagal ay tuluyan na silang nakarating sa dalampasigan malapit sa bahay-bakasyunan nina Nestle na ngayon ay abala sa pagtanaw sa asul na asul na karagatan. Samantalang mabilis namang lumapit si Tungsten sa kasintahan nitong may lungkot na namumutawi sa maganda nitong mata. “Baby, you’re here, again,” malambing na litanya ni Tungsten. “I just want to clear my mind, baby. Pakiramdam ko kasi sa bawat araw na nagdadaan nawawalan na ako ng pag-asa pang mabuhay.” “Stop saying that, baby! ‘Di ba sinabi ko naman sa ‘yo na hindi kita pababayaa

