Kalalabas lamang ni Magnesium sa klase niya nang maisip nitong mamasyal sa may dalampasigan. Bukod sa nababagot pa ang binata na umuwi sa bahay nila, tinatamad din siyang sumama sa mga kaibigan niyang patungo sa mall. Nang makarating si Magnesium sa may dalampasigan kaagad niyang hinubad ang sapatos niya upang magtampisaw sa asul na asul na karagatan. Dahil sa napasarap si Magnesium sa paglangoy niya sa dagat hindi namamalayan ng binata na malayo-layo na pala siya sa may dalampasigan. Sa halip na matakot isang ngisi lamang ang pinakawalan ni Magnesium sapagkat marunong naman siyang lumangoy kung kaya’t hindi siya natatakot na mapalayo siya sa may dalampasigan. Bukod dito, para bang nawawala ang mga negatibong nangyari sa araw ni Magnesium habang nagbababad siya sa asul na asul na tubi

