Ikatlo pa lamang ng madaling araw nang abala na si Jiselle sa pagluluto niya ng dadalahing pagkain para sa outing nila mamaya. Bagamat sinabihan na ni Timothy si Jiselle na huwag na siyang magluto hindi pa rin nakinig ang dalaga sapagkat gusto niyang ipagluto ang binata lalo na’t marunong na siya ngayong magluto. Abalang naghahalo si Jiselle ng niluluto niyang pasta nang bigla na lamang sumulpot sa likuran niya si Timothy na mukhang kagigising lamang. Dahil dito, kaagad na sumilay ang ngiti sa labi ni Jiselle nang makitang gulo-gulo ang buhok ng binata na akala mo’y isang bata. “Bakit ang aga mong magising, Jiselle?” Kakamot-kamot sa buhok na tanong ni Timothy. Isang mahinhing tawa muna ang pinakawalan ni Jiselle bago sagutin ang tanong ni Timothy. “Nagluluto ako ng pagkain natin m

