NAGHAHABOL ng hininga na tumingin si Timothy kay Jiselle na ngayon ay paunti-unting pumapatak ang butil ng pawis mula sa maganda nitong mukha pababa sa makinis na leeg ng dalaga. Samantalang si Timothy naman ay nakangiting nakatitig sa magandang mukha ni Jiselle habang nababalot na rin ng pawis ang gwapo niyang mukha. Hanggang sa dahan-dahang hinubad ni Timothy ang suot niyang itim na damit at kaagad na bumungad sa harapan ni Jiselle ang magandang katawan ng binata. Sa hindi malamang dahilan napakagat na lamang ng labi si Jiselle dahil sa magandang katawan ni Timothy na may butil na rin ng pawis ang umaagos mula sa leeg ng binata pababa sa matipuno niyang katawan. Kung kaya’t hindi maiwasan ni Jiselle na mapatitig sa katawan ni Timothy na nakatmbad sa harapan nito. Kasabay naman nito a

