Dear Diary, Nakahanap na ako ng trabaho. Tanggap na rin ako at magsisimula na ako next month. Isa akong call center agent, next month pa ako magsisimula dahil may mga papeles pa akong kailangan asikasuhin. Ayaw ko man pasamahin si mama sa pag-aasikaso ko dahil baka ma-heatstroke siya pero wala na akong nagawa dahil pinipilit talaga niyang sumama sa akin. Tsaka, ayos na rin ito dahil magiging ligtas siya kasama ako. Lalo pa't may b***l ang ama kong nabili niya lang sa kung kanino. Hindi iyon naka-rehistro kaya delikado kapag isa man ang binaril niya sa amin ay hindi ma-trace kung kanino ang balang bumaon sa katawan namin. Mom and I made sure na nakatago lahat ng patalim sa hindi makikita ng demonyo kong ama in case na makapasok siya sa bahay. Kahit tinidor at kutsara, itinago namin 'yon

