Dear Diary, Hindi na rin bumalik demonyo kong ama. Mabuti at kahit papaano naging tama ang desisyon niya. Kung sana ay oras na humiling akong mawala na sa mundo ang demonyo kong ama ay pwedeng mangyare, hindi na sana ako magiging ganito. Pero di bale na. Kapag naghahanap naman ako ng trabaho sinasabihan ko lagi si mama na wag bubuksan ang pintuan. Humingi na rin kami ng pera sa mga kapatid ko para palitan ang doorknob at key-in-knob lock para wala na siyang kakayahang makapasok sa bahay. May spare key pa kasi 'yon ng gate at ng pintuan. Nagtanong nga mga kapatid ko kung bakit kailangang palitan ang mga nabanggit ko, sinabi ko na lang na may nababalitang magnanakaw na rumoronda sa village. Buti naman hindi na sila ulit nagtanong. Ayaw pa rin kasi ni mama ipaalam sa kanila kahit na gusto

