Dear Diary, Breaking news! Tumigil na sa pagtatrabaho ang "magaling" kong ama. May naipon naman na raw kasi siya at bubuhayin daw siya ng kabit niya kaya di raw siya natatakot iwan kami. Kaya lang nagkaroon ng g**o kanina sa bahay. Nananahimik lang kasi kami dito tapos bigla siyang dumating, sermon ng sermon sa amin eh hindi na nga namin siya pinapakealaman. Tapos hindi na nakatiis si mudra na manahimik, nagsagutan silang dalawa ng demonyo kong ama. Nasa likod lang ako ni mama, nanonood sa kanilang magbangayan. Hindi na sana ako makikisali kaya lang binato ng unan ng demonyo kong ama ang mukha ni mama. Oh diba, lumabas galit ko. Ako naman ngayon nakikipagsigawan sa kanya, sa likod ko naman si mama. Kung anu-ano mga pinagsasasabi kasi eh. He's turning the story to 360 degrees! Pinapalab

