Dear Diary, I'm back, obviously. Alam mo na ang reason, diary, kung bakit hindi ako nakapagsulat. Malamang hindi ako tinamad, sobrang busy lang kasi trabaho at bahay lang lagi ang routine ko tapos diretso tulog. Nakakapagod kaya ang mga ginagawa sa opisina. Pero may balak na akong mag-apply sa gobyerno, sana tanggapin ako kahit utusan man lang nila. Nag-fail kasi 'yong Operation: Pakiusap dahil masyadong isip-bata ang demonyo nating ama. Nag-chat kasi ako na kung pwede mag-tiyaga na muna siyang paaralin ako, sa akin na ang ibang school expenses basta bayaran niya tuition fee ko. Pinaintindi ko rin sa kanya na ako na lang ang pagkagastusan niya kasi after ng college, bahala na siya sa buhay niya. Babayaran ko rin naman siya sa mga perang ginastos niya para sa amin, pero siyempre kukuha a

