Dear Diary, Habang may trabaho pa ako ay naisipan kong mag-transfer sa ibang school. Nag-canvas na ako at may napili na ako. Malapit lang siya sa bahay at pwedeng-pwede lakarin. Hindi na rin ako makakapag-gastos ng 120 pesos para sa pamasahe araw-araw dahil malapit lang iyon. At nakakagulat lang dahil mabilis kong bayaran ang balance ng tuition fee ko in just 2 months. Ngayon may dalawang buwan pa ako para makapag-ipon ng madami. Hinayaan din ako ni mudra na wag na muna bayaran ang mga utang dahil mga kapatid ko na ang bahala doon. Unti-unti ay nakakapag-ipon na ako para sa tuition fee ng bagong eskwelahan na papasukan ko. Kumpara sa dating school na pinasukan ko ay mas mababa ang tuition, kaya nga kahit na low quality ang education system dito, at least makakapagtapos ako ng college.

