Dear Diary, Umiyak ako sa loob ng kwarto after namin mag-celebrate sa labas. Graduation day namin ngayon, busy ako kaya hindi na talaga ako nakakapagsulat araw-araw 'di katulad noon kaya pasensya ka na diary. Nakakalungkot kasi, kasi kahit na pinagsabihan niya ako noong JS Prom namin, gusto ko pa rin umamin sa kanya. Gusto ko pa rin malaman niya ang totoo kong nararamdaman kahit na masakit ang magiging resulta sa gagawin kong 'yon. Iba pa rin kasi sa feeling 'yong ikaw mismo ang nagsabi at hindi ang iba. Kasi naranasan ko na 'yon. Umamin ako sa isang lalake noong 2nd year ako tapos naka-move on din ako agad bago magsimula ang 3rd year journey namin. Hindi ko na nagawang umamin pa kasi nabalitaan kong nakarating sa kanya ang news na may plano akong ganoon right after the graduation cere

