Dear Diary, Nakakainis! Bakit ang liit-liit ko? Nasa unahan ako ng pila sa graduation rites, hindi ko tuloy makasama ang crush ko kasi nasa likod siya. Ang tangkad eh. Siya na! Siya na ang matangkad! Mabuti na lang hindi namin ka-batch ang 1st year high school na girlfriend niya kasi kung hindi, kasama niya 'yon pag nagkataon. Matangkad din kasi eh, kaya perfect na perfect for each other. Samantalang ako ay kailangan pang uminom ng Gloxi para tumangkad. Well, pasensya naman diary kung ilang buwan na rin simula noong magsulat ako ng entry tungkol sa girlfriend ni Troy. Wala naman nangyareng masama. Okay naman ang flow ng panahon kasi hindi pinatulan ng girlfriend niya ang mga sabi-sabi ng iba. Nakaabot na rin kasi kay Troy 'yong balita na aamin ako sa kanya during graduation day. Nalam

