Dear Diary, It's final. Sa araw ng graduation, aamin ako sa kanya. Advise kasi sa akin ni Lily at Anna na umamin sa graduation day, pero ang hindi nila alam, sa JS Prom namin ako aamin. I just need to find a way para hindi makita ng girlfriend ni Troy na kausap ko ang boyfriend niya. Balita ko kasi nakaabot na sa kanya ang balitang may gusto ako sa boyfriend niya and boy she's not okay with that, I mean who wouldn't right? I mean, wala naman masamang magkagusto sa isang taong taken na basta ba kalimutan mo AGAD ang feelings mo. Ang kaso, nalaman ng girlfriend na matagal ko ng crush si Troy. Siyempre babae ako, alam ko ang nararamdaman at iniisip niya, at ang pumapasok sa utak niya ay baka malandi akong babae at aagawin si Troy sa kanya. Like duh! Anong tingin niya sa akin isang cheap n

