Tahimik lang na nakaupo sa may pang-isahang upuan si Harlan habang pinagmamasdan ang hanggang ngayon ay natutulog pa ring sina Aloha at Facu. Pagkarating niya kanina sa bahay-hacienda ay sinalubong kaagad siya ng mga magulang at ng mga magulang ni Facu. Para kumustahin kung ano ang nangyari sa dalawa. Pero ang bumungad sa mga ito ay ang dalawang pasa niya sa pisngi. "Anong nangyari anak? Nasaan sila? Nakakapag-usap na ba ng maayos sina Facu at Aloha?" nag-aalalang tanong ni Zenny na ikinabuntonghininga ni Harlan. "Anong nangyari sa mukha mo?" bulalas naman ni Celina. Napahawak naman si Harlan sa kumikirot na pisngi ganoon din sa sikmura. "Akala ko po ba nanghihina si Facu. Ang lakas kasing sumuntok mabuti na lang po napigilan ko." "Nasaan sila Harlan? Naiwan ba sa kubo?" tanong ulit

