Halos manlaki ang mga mata nina Facu at Aloha sa narinig na sinabi ni Harlan. Kaya naman biglang nagkatinginan silang dalawa. "Anong sinasabi mo? Hindi ko maintindihan Harlan!" inis na saad ni Aloha. Si Facu naman ay biglang napakunot noo ng magbawi siya ni tingin kay Aloha at muling ibinaling ang tingin kay Harlan. "Anong sinasabi mo? Ibig sabihin si Aloha ang kasama ko noong gabing iyon? Pero paano nangyari ang bagay na iyon? Sino ang babaeng kasama kong umalis ng bar? Sino ang nagpainom ng kung anong gamot sa akin noon? At sino iyong babaeng nabungaran ko noong umaga na iyon sa loob ng hotel room kung saan ako naroroon? Wala doon si Aloha. At ang babaeng iyon ang kasama ko," ani Facu na sobrang nalilito. "Sekretarya ko," pag-amin ni Harlan. "Sekretarya mo? Si Arnie. As in si Arnie

