Madilim pa ng magising si Aloha dahil sa iyak ng kambal. Mula ng bumalik sila ng Pilipinas ay hindi na siya nakaalis pa ng Hacienda Alonzo. Hinayaan na rin naman siya ng mommy at daddy niya na doon na lang din tumira. Ang bahay na ibinigay sa kanya ni Facu noon ay pansalamantalang si Harlan ang naninirahan. Sayang din kasi kung hindi matitirahan ang bahay na iyon. Nasa magkahiwalay silang silid ni Facu. Siya ay nasa dati pa ring silid na ginagamit niya noon. Kasama niya ang kambal. Malaki ang kama na ginagamit niya, kaya napakaluwag para sa kanilang tatlo ng kambal. Habang si Facu ay sa mismong silid pa rin nito. Pagbaba ni Aloha sa may kusina ay naabutan niya ang mga ninong at ninang niya. Ganoon din sina Ate Merly, Sol at Ale. Na nagluluto pa sa mga oras na iyon. Tulak-tulak naman niya
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


