Paglapag nila sa airport ay naghihintay na sa kanila ang sekretarya ni Harlan. Napakunot noo pa si Aloha ng mapansing babae ang sekretarya ng asawa. Hindi kasi niya alam ang bagay na iyon. Akala niya ay lalaki ito, kaya tiwala itong ipaubaya sa sekretarya ang lahat ng trabaho na dapat si Harlan ang gagawa. Ipinakilala din ito sa kanya ni Harlan at Arnie ang pangalan nito ayon kay Harlan. Hindi na lang muna nagsalita si Aloha at hinayaan niyang mag-usap ang dalawa. Habang naglalakad sila patungong parking lot. Siya ang may tulak ng stroller ng kambal. Si Harlan at ang sekretarya nito ang may tulak ng trolley na kinalalagyan ng mga gamit nila. Lahat lang naman ng tungkol sa kompanya ang pinag-usapan ng dalawa. Maganda ang babae. Mukha din itong mabait. Pero wala man lang kahit kaunting

