Napabangon bigla si Facu ng marinig niya ang pagtunog ng notification ng cellphone niya. Last time na nakatanggap siya ng email mula sa nagngangalang zaaf ay two months na ang nakakalipas. Bigla tuloy kumabog ang dibdib niya. Hindi niya maipaliwanag ang kaba na kanyang nararamdaman. Hanggang sa bukasan niya iyon at wala naman ibang kalakip kundi ang larawan ng isang kamay na may nakatusok na IV. Lalong bumilis ang t***k ng puso niya. Hindi niya maipaliwanag ngunit parang alam na niya ang ipinapahiwatig ng larawang iyon. Maaaring nanganak na ang babaeng nagsasabing ina ng kanyang anak. Ilang beses pa niyang sinilip ang email niya, ngunit wala na talagang ibang mensahe na kasama ang larawan na iyon. Napahugot na lang siya ng hangin. "Paano kita makikilala? Paano ko rin kikilalanin ang an

