Kahit na hindi sigurado ang kambal na sila Leo at Xerxes kung tama ba ang kanilang napuntahan. Nag pilit pa rin silang pumasok, sinadya nilang sumabay sa ibang visitors para mag muka silang kasama ng mga ito. "Yes! Nakapasok tayo!" masayang turan ni Leo. "Shhh, huwag kang maingay. Base sa google, kadalasang nasa huling palapag ng building ang opisina ng CEO. Kaya tara na!" hinila naman ni Xerxes ang kapatid. Sumakay sila sa elevator nang wala ng sakay roon. Pinindot naman ni Leo ang last floor at dinala sila roon ng elevator. Masayang lumabas ang kambal at bumungad ang isang glass door pero tinted iyon kaya hindi nila makita ang nasa loob. Agad silang dumiretso sa harap ng glass door at mag katulong na hinila iyon para mabuksan. Mabilis na pumasok ang kambal at nakita nila ang matangk

