Makalipas ang dalawang buwan na pagiging abala ni Thaddeus sa trabaho. Nag pasya siyang samahan si Seiri at sila Leo pati si Xerxes sa Condo niya. Nanatili siya roon at tumulong sa maliit na negosyo ni Seiri. "Puwede kanang mag accept ng order na for deliver. Willing akong mag deliver, kaya lang humingi ka ng charge sa delivery fee. Lugi tayo kung ikaw pa ang mag gagasolina." suhestiyon naman ni Thaddeus. "Sa bagay, bahala na sila kung gusto nilang umorder o hindi. Marami na naman akong suki na nag di-direct sa akin mismo. Pero, kung may mga oorder pa sa akin mas maganda." Saad naman ni Seiri. "Huwag mong intindihin ang deliver. Ako ang bahala." nakangiting tugon ni Thaddeus. "Maraming salamat, Thaddeus." saad naman ni Seiri. Simula noon, naging malapit na mag kaibigan ang dalawa. Si T

