Makalipas naman ang ilang buwan, isinugod na si Seiri sa Hospital dahil manganganak na ito. Labis ang kabang nararamdaman ni Saint. Talagang tinawagan niya pa ang mga kaibigan niya para mag pasama dahil wala ang Mommy niya. "Mga tukmol! Dalian niyo kinakabahan na ako! Para akong matatae nito!" natatarantang sigaw ni Saint sa mga kaibigan niyang mabagal pa sa pagong kung mag lakad. Kapapasok lang ni Seiri sa delivery room at nag sisimula na nga itong mag labor. "Ano ba 'yan, Saint? Parang ikaw ang manganganak hindi si Seiri.." saad ni Orion. "Kaya nga, kumalma ka nga. Daig mo pa ikaw ang paanakin sa sobrang taranta mo." dugtong naman ni Noah. "Mga baliw ba kayo? Siyempre asawa ko na 'yun e. Dalawa yung ilalabas niya. Para na siyang baboy no'n.." sagot naman ni Saint na namumutla. "Tum

