[ Warning SPG ] Makalipas ang dalawang linggo, pinabalik sila sa Hospital para sa Hearing Test ng kambal. Nang gawin iyon, biniro pa sila ng Doctor na Marites daw ang mga ito dahil malakas ang pandinig. "Mana sa nanay.." sagot naman ni Saint. "Baka sa tatay?" balik naman ni Seiri. Natawa nalang ang Doctor. Matapos nila roon, inuwi na nila agad ang kambal para makaiwas sa sakit na makukuha nila sa labas lalo pa at newborn palang ang mga ito. Samantala, chineck naman ng OB ni Seiri kung kamusta ang tahi nito at nang tingnan. Nalamang pagaling na iyon. Sumilay ang nakakalokong ngiti sa labi ni Saint ng palihim. Makalipas ang ilang buwan, humilom na ang tahi ni Seiri. Hindi na iyon masakit at nakaka-kilos na rin siya. Pero todo asikaso pa rin si Saint sa asawa. Gaya ngayon, ito ang panay

