Samantala, makalipas ang dalawang buwan. Muli na namang nang gulo si Cordelia, pinatawag ng Mommy nito si Saint. Kaya walang nagawa ang lalaki kundi puntahan ang babae. Kinausap ni Saint ang Mommy ni Cordelia sa phone nang makailang beses itong tumawag. Sa pang siyam na beses doon na ito sinagot ni Saint. "Bakit, Tita?" tanong niya sa mababang boses. "Saint, parang awa mo na. Kailangan ka ng aking anak. Kailangan ka ni Cordelia.." natatarantang saad ng Ginang. "Ano pong kinalaman ko sa kaniya? Matagal na kaming hiwalay ay may asawa't mga anak na ako, tita. Pakiusap, huwag niyo akong ilagay sa alanganing sitwasyon." seryosong tugon ni Saint. Nag sisimula na siyang mainis. Kahit papaano nirerespeto niya pa ang bestfriend ng Mommy niya. Pero sa ginawa ni Cordelia sa kaniya noon. Nahihirapa

