[ Warning SPG ] Samantala, kahit tapos na silang kumain. Hindi pa rin pinauuwi ni Saint si Seiri. Gusto niya talaga itong kasama at nakikita. Kahit kailan, hindi siya magsasawang titigan ang maganda nitong muka. Ngayon lang siya nahumaling ng ganoon sa isang babae. Pakiramdam niya kapag hindi niya ito nakikita, nanghihina siya. Wala siyang ganang kumilos. Kaya napilitan si Seiri na huwag umalis at sinamahan ito. Inayos naman ni Seiri ang mga gamit ni Saint sa bookshelves nang muntikan na itong mahulugan ng mga hindi naayos na libro. "Careful!" sigaw ni Saint at mabilis na hinila paalis roon si Seiri. Kinabahan naman si Seiri dahil tulig talaga siya kung nagkataon na tumama sa ulo niya ang makakapal na libro roon. "S-Sorry.." nahihiya niyang sabi. "Ayos lang. Hayaan mo na ang mga 'yan.

