Habang nagkakasayahan ang lahat, nag pasya si Seiri mag jokes sa binata. Madalas niya iyong naririnig sa mga kasambahay na nakakausap niya. "Saint may joke ako.." saad ni Seiri kaya nakuha niya ang atensyon ng lalaki. "Ano iyon, Seiri?" "Ano ang hayop na napuputol?" kunot noong tanong ni Seiri. Lalo namang nangunot ang noo ni Saint dahil roon. "Huh? M-May ganoon ba? Ano?" takang tanong nito. "Edi CAT.. Heto pa, bakit bawal mag jacuzzi ang mga kalbo?" dagdag tanong ni Seiri. "Luh! Bakit pati kalbo bawal mag jacuzzi? Anong kinalaman ng pagiging kalbo nila?" nagtatakang tanong ni Saint. "Dahil mag mumuka silang nga squidballs." natatawang sagot ni Seiri. Natigilan naman si Saint at napagtanto ang ibig sabihin ng nobya. Natawa nalang ito roon. "Loko ka ah. Haha!" "Meron pa.. Ano sa

