Makalipas ang ilang buwan, dumating ang araw ng birthday ni Saint. Umattend lahat ng kilala nila at kamag anak. Kasama na roon ang mga kaibigan ng lalaki. Sobrang bongga ng selebrasyon sa Mansion. Samantala, bandang alas nueve nang gabi noon nang hilahin ni Cordelia si Saint at hawakan ito sa batok. Nakita ni Cordelia na papunta sa direksyon nila si Seiri at tinaming niyang mukang hinahalikan nila ang isa't-isa. "Happiest birthday, Saint.." saad ng dalaga. Nagtaka naman si Saint at balak na sanang umayos nang hatakin siya lalo ni Cordelia. Samantala, halos manlamig si Seiri nang makita niya ang eksena. Hindi niya lubos akalain na maabutan niyang naghahalikan si Saint at si Cordelia sa may corridor. Balak niya pa sanang surpresahin ang asawa kaya lang hindi niya akalain na siya pa ang mas

