Kahit na kinokontra ni Saint si Cordelia, may kaunting awa pa rin siya rito sa pag aakalang may sakit nga ito at malapit ng mamatay. Kaya panay siya bisita sa babae. Hindi man siya nag tatagal pero araw-araw siyang nabisita rito. Masaya naman si Cordelia sa naging improvement. Talagang gusto niyang mapatawad siya ni Saint at kapag lumambot na ang lalaki sa kaniya. Doon niya na ito aakitin ulit. "Anong iniisip mo? Nag dala ako ng prutas." seryosong saad ni Saint. "Wala naman. Naiisip ko lang, karma ko na siguro ito sa ginawa ko sayo. What if? Hindi ako gumawa ng mali noon. Siguro, tayo yung may pamilya ngayon. Tayo yung may anak at ako ang asawa mo. Ako ang ikinasal sayo. Nakakapang hinayang, Saint. Ang dami kong Sana.. Pero hanggang doon nalang talaga iyon, kung sana minahal kita ng hust

