Hindi naman magkamayaw ang mga tao sa pag chi-chismisan. Karamihan ay nagtataka kung kaano-ano ni Saint ang babaeng tinulungan nito. "Kaano-ano mo siya?" tanong ni Lucy. "Who are you to ask me? As if we're close?" masungit na tugon ni Saint saka hinawakan ang kamay ni Seiri na noo'y sobrang tahimik. Nakaramdam naman ng pagkapahiya si Lucy lalo na nang tawanan pa siya ng mga tao. Umalis naman roon si Seiri at Saint para makaiwas sa mga tao. Dinala niya ang babae sa cabin at doon sila nanatili. "I told you not to do anything stupid, Seiri." malamig ang boses na sabi ni Saint. Napayuko naman si Seiri. "Thank you, Sir. Sorry, malakas kasi ang sapak ng babaeng iyon. Matagal ko na siyang kilala. Bata palang kami pinag iinitan na niya ako." paliwanag ni Seiri. Kasabay ng pagkalam ng tiyan ni

