Chapter 7

1034 Words
Kahit kinakabahan sumama pa rin si Seiri. Hanggang sa sumakay sila sa kotse ni Saint at ito mismo ang nag drive ng sasakyan. Dumiretso sila sa mall para bumili ng bagong damit at magandang gown ni Seiri. "Para saan po ito, Sir? Hindi naman po ako mag sasagala?" tanong ni Seiri. "Hindi ka magsasagala, ibuburol kita. Ang dami mong tanong. Mag sukat ka lang muna ako ng bahala mag bayad. Ipapaliwanag ko sayo mamaya." sagot ni Saint sa iritableng boses. Kinabahan naman si Seiri dahil sa takot na baka totohanin nga ng demonyitong amo ang sinabi. "Uhmm, sige po.." aniya sa mababang boses. "Good." "Saint yung pangalan pero demonyo yung ugali." bulong pa ni Seiri. Narinig naman iyon ni Saint kaya nakatanggap si Seiri ng pitik sa noo. "Ano?" "Sorry na, Sir. Ikaw naman kasi e." reklamo nito habang nakanguso. Nang matapos silang mag sukat si Saint naman ang namili ng tuxedo niya. Masyado kasing mabilis ang lahat kaya wala na siyang pagkakataong makapag pasadya ng susuotin. "Sir, saan niyo po ako dadalhin?" "Sa impyerno nga... Handa kana bang makita si kamatayan?" pang aasar ni Saint sa kasambahay. Automatiko namang nag taasan ang balahibo ni Seiri sa takot at nerbiyos. "Wala naman pong ganyanan, Sir. Ikaw nalang po ang mauna. Tatanggapin ka nun agad. Kasi kahit Saint ang pangalan mo para kang demo.." hindi na naituloy ni Seiri ang sasabihin dahil tinakpan ni Saint ang bibig ng katulong. Namula naman ang muka ni Seiri sa sobrang hiya. Binitawan rin agad ito ni Saint at pinunasan ang kamay. Samantala, binayaran na ito ng lalaki at dumiretso sila sa Salon. Mabilis niyang pinaayusan si Seiri at binilhan niya nalang ito ng take out na pagkain. Kumain muna siya sa Restaurant roon. Saka binalikan ang kasambahay. Tila huminto ang mundo ni Saint nang makita ang magandang itsura nito. "You look so human.." puri ni Saint. "Anong akala niyo naman sa akin, Sir? Animal?" naasar na tugon ni Seiri. "Oo." tipid na sagot ni Saint kaya halos mamula sa inis ang kasambahay. Sasapakin niya sana si Saint nang mapatid siya sa carpet kaya nasubsob siya sa dibdib ng amo. Nagkatitigan naman sila sa mga mata at ganoon nalang ang pagtibok ng puso nila nang magdikit ang mga balat. "Sir naman.." "Tigilan mo na ang pagiging makulit mo ah. Aalis tayo. Pina-aattend ako ni Grandpa ng Birthday Party niya. Nawala sa isip ko sa dami ng trabaho." sagot ni Saint. Pero ang totoo niyan, nawala dahil napapaisip na siya kay Seiri. "E? Bakit kasama pa ako?" "Kailangan ko ng alalay doon." pang aasar pa ni Saint. "Ano ka, Sir? Pilay?" pang aasar naman ni Seiri. Sinamaan naman siya ng tingin ni Saint. Nang matapos sa Mall. Nag bihis sila sa Condo niya sa malapit at doon nagmula bago dumiretso sa Yacht Party ng kaniyang Lolo sa Batangas. Nakarating naman sila roon makalipas ang napakahabang oras na biyahe. Sinalubong sila ng napakaraming mga tauhan nito. "Ang ganda!" manghang bulalas ni Seiri nang makita ang napakalaking Yacht. Napakaraming sikat na tao at personalidad ang naroon.. Maging mga negosyante at investor ay nakilahok sa Kaarawan ni Don Fernando. Labis naman ang kabang nararamdaman ni Seiri. "Huwag mo akong ipapahiya." mariing bilin ni Saint at kinuha ang kamay ni Seiri. Ganoon nalang ang pagwawala ng kaniyang puso dahil sa hawak ni Saint ang kaniyang kamay. Napatingin si Seiri roon at namula ang mag kabilang pisngi. "O-Okay.." aniya sa mahinang boses. Dumiretso sila sa taas at binati si Saint ng mga bisita. Tanging tango at tipid na pagbati lang ang ganti niya. "Ganyan ba talaga pag mayayaman? Pasuplado effect makipag batian sa mga tao?" bulong ni Seiri. "Oo, kaya huwag kang mag pahalata na ignorante ka. Huwag mong sayangin ang pag magic ko sayo na mag mukang tao." masungit na tugon ni Saint habang nag lalakad. "Ay wow! Utang na loob ko pa pala sayo ang ganda ko ngayon?" napipikon na sagot ni Seiri. "Stop pestering me, huwag rito Seiri.. Baka parusahan kita sa kama kapag hindi ka pa tumigil." napipikon na saway ni Saint. "Sinasabi ko na nga ba, type mo ako Sir? Kunwari ka pa." mayabang na sagot ni Seiri. Pinisil naman ni Saint ang kamay niya. Saka ito lumapit sa kaniyang lolo na abala sa pakikipag usap sa mga kamag anak nila. "Grandpa.." tawag ni Saint. Sabay abot ng regalo. "Oh? Saint, apo? Mas matutuwa ako kung apo sa tuhod ang regalo mo. Ang ganda ng kasama mo ah? Bagay na bagay kayo.. Kelan ang kasal niyo apo?" ngumiti ng nakakaloko ang matanda. "Tigilan niyo muna ako, Grandpa. Siya nga pala siya si Seiri.." pakilala ni Saint at hindi na nagbigay pa ng ibang detalye. "Good evening po, Happy Birthday!" saad ni Seiri saka nagmano. Napatingin naman si Saint sa babae. "Bakit ka nag mano sa lolo ko?" takang tanong ng binata. "Mabuti pa nga ang nobya mo marunong rumespeto, ikaw na bata ka. Saint pa naman ang ipinangalanan sayo tapos ganyan ka." napipikon na sagot naman ng kaniyang Lolo Fernando. Namula naman sa inis si Saint. Sabay bulong ni Seiri. "Bleeh! Wala ka kasing respeto." pang aasar pa ni Seiri. Pinisil na naman ni Saint ang kamay niya sa inis. Napaigik naman si Seiri. "Kumain na muna kayo." sabi ni Don Fernando at iminuwestra ang mahabang buffet table sa loob..Tumango naman si Saint para makaiwas sa Lolo niya. Sabay silang nag punta ni Seiri sa buffet table nang may mga babaeng sosyalista ang lumapit. Hindi nila alam na nandyan lang si Saint sa gilid. At pinag initan nila si Seiri na noo'y nakuha ng pagkain. "Ay! May ligaw na aso rito. Hindi na nahiya ang daming pagkain sa plato. Halata namang nag fe-feeling lang at nagpapanggap na social climber." sabi ni Lucy. "Lucy? Anong ginagawa mo rito?" takang tanong ni Seiri. Nakilala niya ang babaeng nag salita. Ito pala ang kababata niyang nakapangasawa ng negosyante. "Who you? Feeling close ka ah?" tinulak siya ni Lucy. Kaya umeksena na si Saint. "Don't Touch her or I'll throw you out!" galit na sigaw ni Saint. Natigilan naman sila nang makita ang tagapagmana ni Don Fernando. Nakaramdam ng takot ang apat na babaeng naroon. Saka nito tinulungan si Seiri na umayos ng tindig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD